*POV. JEROME
" anak .. Musta naman ang surpresa ninyo kay Isabel ??" Bungad sakin ni mama .. Kararating ko lang kasi galing sa Pasig. At ngayon lang ako nakauwi ..
Siguro nagawa na ni Michael magpropose ..
:-) Masaya ako para Sa kanya !
" okey naman po .. Nagkaproblema lang doon sa singer !! Ma' hindi na sumipot yun sinasabi ni Michael .." Sabi ko .. Nakakabadtrip kaya yun ! Nakaready na lahat siya lang wala ??
" Ahh ganon ba ? oh , siya Alam kong napagod ka , mas mabuti pa kumain ka na dyan .." Sabi ni mama.
"Okey po , ma!" Sabi ko nalang .
++++++++
Nandito na ako sa higaan ko .. Para magpahinga ng marinig ko ang Galit na galit na boses ni Michael ..
At tinatawag ang pangalan ko.??" JEROME .. NASAAN KA JEROME !? " paulit ulit niyang sigaw sa umaalingawngaw sa bawat sulok ng mansyon .
Ngayon ko lang siya nakita na ganyan magalit ..
Nang makita niya ako agad niya akong sinugod at sinandal sa pader na nakapilig sa leeg ko ang braso niya .
Sakal na sakal ako ..gulat na gulat ako sa ginawa ni Michael sakin.!" HAYOP KA ! TRAYDOR .. GINAGO MO AKO !!!" Malakas na sigaw niya sakin ..
Hindi akong makasalita at huminga ..
" Michael ! Huminahon ka .. Anak ko yan .." Takot na takot na sabi ni mama .
" sige .. Hihinahon ako ! At makikinig sa explaination ng anak mo.. " nanggigil niya sabi ehh..saka niya ako pinakawalan .
Anong bang nangyari ??
May nagawa ba akong mali ?Maubo ubo ako sa ginawa ni Michael habang iniisip ko anong nagawa ko ..
"Cael! Hindi ko alam ---" sabi ko na sinigawan niya ako .
" wag mo akong tawaging Cael .. Totoong Kaibigan ko lang pwedeng magtawag niyan sakin !" Saway niya sakin.
" Mahal mo ba si Isabel !?"Seryoso niyang sabi ..na nagpagulat sa mukha ko .. Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya .
Bakit kailangan niyang malaman pa ? Ikakasal na din naman sila ..
" ano ba yang tanong mo , Michael ? Hindi nuh " iwas ko sa tanong niya nang bigla niya akong sinuntok ..
Kaya natumba ako sa sahig at may dugo ang labi ..
" Sira Ulo ka ! SINUNGALING KA .." Sigaw niya at hingal na hingal pa.
Ano !?? INAAMIN NA NIYA ?
Pero nagdesisyon na siya na hindi ako ang pinili niya ahh .." Mic ---- "tawag ko sa kanya ..
"Jerome , Bakit hindi mo sinabi sakin agad ang totoo " nakita ko sa kanyang mata ang pagka disappointment sakin .
"NA NAKILALA MO NA PALA SI ISABEL !! hindi ko nalang din sana Siya Minahal ." sabi niya ng nsasaktan .
" sorry , Cael ! Hindi ko din alam na Siya ang babaeng Ipapagkasundo sayo .. at ska hindi naman din kami Bagay ! " pag amin ko sa kanya .
"Magkaiba kami ng katayuan , hindi ko din siya maipaglalaban sa Pamilya niya , mas lalo na makita ko siyang maghihirap at sisihin ng magulang niya ." Sambit ko .
"Hindi sapat na rason yan ! Mas lalo na binuntis mo siya " sabi niya na nagpalamig sa buong pagkatao ko .
"Hindi basehan ng Pag- ibig ang estado ng buhay , at hindi mo dapat tinatakasan ang reponsibilidad mo " sabi niya sakin .
" pero may gusto ka sa kanya ! Dba ? Bakit ko hahadlangan yon ? ." Paliwanag ko ..
:-0
Teka ? Binuntis ko ? Nabuntis ko si Isabel ?
Pero this time ..
Nagulat ako sa sinabi niya ..
Wala akong alam na nabuntis ko siya .
Natuliro ako sa sinabi niya .
Kailangan kong makausap ni Isabel ! Isip ko .
"Kailangan na namin mag usap ni Isabel" sabi ko kay Michael ...
*** to be continue
BINABASA MO ANG
Ex ako ng Fiance Ni BFF* (complete)/R18
RomanceIto ay fiction story na patungkol sa Dalawang Matalik na Magkaibigan na sila Michael at Jerome . Na magmamahal ng iisang babaeng si Isabel. Si Isabel ay Ex-Boyfriend ang isa sa kanilang mag-BFF at ang isa naman ay Fiance niya para sa Negosyo ng Pam...