Red Tag (One Shot)

607 21 12
                                    

Red Tag

Written By: SmilingCrazy//Smile

Date Posted: December 13, 2013. Friday the 13th.

Ito ay ikinuwento lamang sa akin ng pinsan ko at base na rin sa sinabi nila ito ay totoo. Humihingi ako ng paumanhin dahil alam kong maraming kaparehas ito.

SMILE :)

== = = = =

Author's POV

Isasara na sana ni Rez ang pintuan ng elevator ng sumigaw ang isang Nurse.

"Doc! Doc! Sandali laaaang!" sigaw nito

Tumango lamang si Rez bilang tugon sa Nurse.

"Uhmm, di ba po sa ground floor kayo? Pahatid naman po sa may parking si Inay. Doon po kasi naghihintay yung kamag-anak niya." At dahil nga Doctor siya, syempre tumango na lang siya tutal sa may parking din naman ang punta niya. Nagtataka siya kung bakit hindi na lang siya sunduin ng kamag-anak niya dito sa 13th floor at kailangan niya pang ihatid pero dahil na rin sa pagod at kagustuhang makauwi agad hindi na siya nagtanong. Agad namang inalalayan ng Nurse ang pasyente na nasa wheel chair papasok ng elevator.

"Ah sige po Doc, Salamat!" sabi ng nurse at nakita niyang ngumiti ito at agad-agad na tumakbo. Tsk! Siguro may katagpuan yun. Sabi niya sa isip niya. Hindi niya man kilala ang Nurse pakiramdam niya talagang kailangan na ni Inay na makapunta ng Parking lot.

At dahil nga luma na ang elevator ang bagal nito umandar para bang slow motion. Hindi niya alam kung sa tingin niya lang yun o kaya naman talagang mabagal lang. Nakatitig lang siya sa may itaas kung saan malalaman mo kung nasaang floor ka na at laking gulat niya nang makitang nasa 13th floor pa din. Tsk! Ang bagal talaga! Dapat kasi pinalitan na to! Ang lakas talaga mangupit ng management! Ang kukuripot pa! Reklamo niya sa isip niya. Natigil siya sa pagrereklamo nang biglang lumamig ang paligid. Tsk! Buti naman may aircon dito! At hindi ako pagpapawisan sa kakahintay! Bigla niyang naalala ang pasyenteng kasama niya. Nakita niya itong namumuti na sa lamig kaya agad-agad niyang hinubad ang kanyang jacket (S/n: Okay di ko alam tawag dun kung lab gown ba o ano basta yung suot ng mga doctor!) Tinanggap naman yun ng pasyente nang di lumilingon sa kanya. Akala niya isusuot nito ngunit itinabi lang sa may gilid ng wheel chair.

Napalunok siya. Amoy putok ba yun? Kaya ba ayaw niyang sootin? Naisip niya. Agad-agad niyang itinaas ang isa niyang braso at inamoy ito Hindi naman ahh. Sabi niya sa sarili. Nangangati siyang itanong kung bakit hindi niya iyon sinuot gayunding hindi naman pala ito amoy putok. "Uhmm" sambit niya ngunit hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Ang taray ng lola niyo! Isip niya. Ayaw niya na sanang tanungin ito ng may lumabas sa bibig niya "Hindi po ba kayo nilalamig?" Imbis na sagutin siya nito ng 'Hindi' ay umiling lang ito. Tsk! Pipi ba to? At dahil sa gusto niyang malaman, nag-isip siya ng tanong na hindi masasagot ng iling o tango.

"Uhm. Nay? Ano pong pangalan niyo?" hinintay niya ang sagot nito ngunit hindi naman ito umimik o lumingon man lang sa kanya subalit ito ay nakatitig lamang sa pinto. Kaya agad siyang napatingin sa pinto ng elevator. Bukas na pala ito ngunit hindi pa ito ang ground floor base sa nakikita niya sa labas. Hindi niya muna ito isinara at inantay kung may sasakay ba. Nang makita niyang may isang pasyenteng tumatakbo at halatang nagmamadaling makasakay ng elevator ay agad niyang isinara ito. Sumara naman ito agad at nahalata niyang parang nagiba ang ihip ng hangin sa loob. Nang tumingin siya sa katabi niya, nakita niyang nakalingon ito sa kanya. Magsasalita na sana siya ng unahan siya nito.

"Bakit mo siya sinaraduhan?" Nagulat siya dahil sa unang pagkakataong na nasa loob sila ng elevator eh ngayon lang siya nagsalita. Ang nakakagulat pa doon ay para itong nagalit. Kaya wala siyang magawa kundi ipaliwanag ito since palabas na din naman ng ospital ang pasyente.

"Uhmm, nakita niyo po ba yung nasa wrist niya? Yung red tag? Isinosoot lamang namin iyon sa mga pasyente naming yumao na at dahil nga may red tag siya. Patay na ho siya" paliwanag niya dito at agad namang tumahimik ang paligid.

"Ganun ba?" Tanong ng pasyente at nakangiting tumango sa kanya ang Doctor. Pero nagulat na lamang ang Doctor ng magsalita ito ulit at makita ang tinutukoy nito.

"Ganito ba?" nguso ng pasyente sa wrist niya na may...

...RED TAG.

= = = = = =

9:58PM

Red Tag (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon