Chapter 1

41 1 0
                                    

Reyn's Point of view

Nandito ako ngayon sa park, nakaupo habang hinihintay yung bestfriend ko. Kupal yun, iniwan akong mag-isa dito, hintayin ko daw sya. Saglit lang daw sya, may bibilhin at kukunin lang daw. Kupal talaga.

Sa park na 'to, marami akong alaala na hindi makakalimutan dito. May mga masasaya, at syempre, hindi mawawala yung lungkot. Habang hinihintay ko yung kupal kong bestfriend na si Gab (babae po sya😂) ishe-share ko sa inyo yung buhay ko, lol. Since nasa park ako, maraming pumasok sa utak ko na memories, hindi lang sa park, pati sa school (actually katapat lang ng school namin yung park na 'to) at sa iba pang lugar.

Dito rin nabuo yung buhay ko nang makilala ko yung lalaking nagpatibok ng puso ko.

Flashback 2013...

Naalala ko pa...

Second day of school, second year high school ako noon nang makita ko sya. And yes, classmate ko sya at transferee ako. Nung una, hindi ko pa pansin ang presence nya. Madalas ko syang tingnan sa pwesto nya.

Pero nung mga araw na yun wala pa akong nararamdaman sa kanya.

Naalala ko pa, third day of classes, naglaro kami ng truth or dare ng mga katabi ko. Nung nagturn na yung katabi ko, inutusan ng nga classmate ko na lapitan sya at kalabitin. At dahil dare yun, sinunod nya at sinundan ko ng tingin yung classmate ko hanggang sa mapunta sya sa pwesto nya.

Kinabahan ako bigla.

Pagka-kalabit ng classmate ko sakanya, inismirkan sya nito at dun kami nagsihagalpakan ng tawa. Sabay balik ng pwesto ng classmate ko.

"Kayo ah, pinagtitripan nyo si reden." sabi ng isa kong classmate na si Emilyn.

"Hahahaha trip lang namin eh" sabi naman ni Mary rose.

Tumatak yung pangalan nya sa isip ko.

Dismissed.

Uwian na namin, habang nasa jeep ako, tinext ko yung classmate ko na seatmate ko rin.

Be! Hahaha di ako makagetover sa dare sayo kanina hahaha! Laptrip yung expression ni reden lol.

[Nyahaha kaya ng eh! Reden ba name nun? Ayie natandaan nya haha.]

Gagi hahaha sige later nalang.

[Oki, ciao tom!]

Pag uwi ko sa bahay, ginawa ko muna yung evening routine ko. Then binuksan ko yung fb ko, tinry kong hanapin yung fb nya kaso hindi ko pa alam yung surname nya. So ang ginawa ko, chinat ko yung isa kong classmate at tinanong kung anong surname ni Reden.

Reden Remandaban.

Then after that, sinearch ko ulit yung name nya and... shocks! Found it! Ang gwapo nya, ang tangos ng ilong, halatang malinis sa katawan, at.. at.. is that a mole? In his nose? Pareho kami. Yung mismong pwesto ng nunal nya sa ilong, parehong pareho kami.

Inadd ko siya.

After that day, marami na kong nakakaclose sa classroom namin. Mostly yung mga nasa harap, katabi at sa likod ng pwesto ko. Sayang! Ang layo kasi ng pwesto nya sa pwesto ko. Nasa first row ako sa harapan sa gilid samantalang sa third row sa likuran naman sya nakapwesto.

Stupid Heart (On Going)Where stories live. Discover now