"Here's your order, Ma'am." Nakangiti kong sabi sa customer.
"Chantal, telepono para sayo daw." Sabi ng katrabaho ko na si Charles.
"Sino daw?" Nagtataka kong tanong.
"Ewan eh. Kausapin mo nalang." Sabi nito at pumalit saakin pwesto.
Kinuha ko ang telepono at nilagay iyon sa tenga ko. "Hello?"
"Chantal..." Napawi ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang boses na iyon.
"What do you want?" Matapang na tanong ko dito.
"Please, umuwi ka na. Your Dad wants to see you." Napangisi ako sa sinabi nito.
"Liar. He will never want to see me. Next time, wag ka na tumawag dahil baka nasasayang lang ang oras mo na kausapin ako." Sabi ko at binaba ang telepono. Nanggigigil ako sa galit at inis. Bakit ba ayaw nalang nila ako lubayan? Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Buhay na wala sila.
Pumunta ako sa storage room. Nilock ko ang pinto at naupo ako sa sahig. Naiiyak ako. Naiiyak nanaman ako. Kapag naaalala ko ang nakaraan, wala ako iba nagagawa kundi ang umiyak. Kailan ba ako lulubayan ng nakaraan?
Kinuha ko ang matalim na bagay saaking bulsa. Blade. Kapag nagagalit ako at nadedepress ay ito palagi ang ginagawa ko. Oo, alam kong masama pero ito ang kailangan ko. Kailangan ko ng malalabasan ng galit. Dahan-dahan kong hiniwa ang aking pulsuhan. Malayo iyon sa ugat kaya alam kong mabubuhay pa ako. Tss, bat hinahayaan ko pa ang sarili ko mabuhay. Kalokohan. Sunod-sunod na paglaslas ang ginawa ko hanggang sa magsawa ako."Dugo... Puro dugo..." Hikbi ko.
Ako si Chantal Louise Xaviera.