*kriiiiingggg*
Shit. Hinagilap ng kamay ko ang alarm clock sa bedside table. Nang maabot ko iyon ay hinagis ko sa pader. Leche naman oh! Sobrang nakakatamad gumising ng 7:00am araw-araw para lang sa trabaho.
Pero, ano ba naman magagawa ko? Kung kailangan ng pera, edi paghirapan. Ayan layas pa more, Chantal.
Naghanda nako para sa trabaho. Lumabas ako ng akin apartment at pumara ng jeep papunta sa cafe ng kaibigan na si Charles. Akalain mo kaklase ko lang siya noong highschool at siya na ata ang pinaka matino tao nakilala ko *sarcasm*
Sino mag aakala na magkakaroon siya ng sariling cafe? Partida sikat pa! Nahiya naman ako pucha.
"Goodmorning, Charles!" Bati ko pagpasok sa loob.
Malawak ang ngiti nitong tugon saakin. "Magandang umaga rin sayo! Halika, mag almusal ka muna."
Pinaupo ako nito sa tapat niyang upuan. Tuwing umaga ay ganito gawain namin. Alam kasi ni Charles na hindi ako nag aalmusal. Syempre, para bawas gastusin. Hindi naman ako sobra hirap pero kasi di ko maiwasan maging kuripot sa sarili ko.
"Lunes ngayon kaya sigurado madami secretary ang bibili ngayon ng kape para sa boss nila." Panimula ni Charles. Tumango naman ako.
"Diba sainyo ang kompanya na yan?" Tanong ko at tinuro ang building na katapat lamang ng cafe.
Napag alaman ko kasi na pamilya niya rin ang humahawak niyan. Ang business kasi nila ay coffee beans. Kaya siguro cafe ang tinayo niya dahil iyon ang pinapatakbo ng pamilya nila. Akalain mo na ang maliit na coffee beans ay sobrang malaki ang kita? Ibang iba nga naman talaga.
"Yes. Bakit?" Tanong nito at humigop sakanyang kape.
"Wala, asahan mo na isang araw hihingi ako ng autograph sayo." Tumawa naman ito saakin sagot.
"Hindi ako artista, Chantal." Natatawa nito sabi.
BINUKSAN na ni Charles ang cafe. Pumwesto na ako sa cashier. May mga iba pa naman trabahador si Charles pero ako lang ang inaasahan niya sa pwesto nato. Wala kasi siya tiwala sa iba niya trabahador. Meron kasi dati ay tinakbo ang mga pera at di na nila muli nakita. Anong naitulong nung magnanakaw na yon sa lipunan? Sows.
"Goodmorning, Ma'am! May I take your order?" Ngiting bati ko sa customer.
"Two caramel macchiato, please."
"Two caramel macchiato, coming right up. Is that all?" Nagpipindot pindot nako dito sa cashier para ireceipt ang kanyang order.
Pinasa ko na ang order doon sa taong gagawa. "Ma'am, kindly wait for your order nalang po. Thank you."
"Chantal, phone call." Narinig ko sabi ni Charles sa tabi ko.
Hays, alam ko na kung sino yan. "Pasabi busy ako." Kunot noo sabi ko.
"It's your brother." Nanlamig ang katawan ko sa sinabi nito. Agad ako umalis sa pwesto at sinagot ang telepono.
"Kuya..." Mahina tugon ko.
"Chantal..." Walang emosyon ang pagbanggit nito sa pangalan ko.
Natatakot ako tuwing ganito siya. Siya. Siya ang taong kinakatakutan ko palagi. Iba siya kung magalit. Ang kuya ko na ata ang pinaka seryosong tao sa mundo. Hindi ko alam kung kailan ang huling kita ko sa pag tawa at ngiti niya. Ewan ko.
"Chantal, you have to go home. You better listen to me." Seryosong sabi nito.
Onti-onti tumulo ang luha ko at tahimik na humikbi. Ayoko sa lahat ay ang magalit ang kuya ko saakin.
"Kuya, I'm sorry..." Dahil ayoko na pati siya ay mawala saakin.