Chapter 2

3.8K 164 5
                                    

"Hello? Good afternoon. May I help you?" Tugon ni Rhian pagkasagot sa telephone.

"Rhian, please come to my office. I'll just give  you this paper to give Mr. Tan as early as posible tomorrow." Sagot naman ng boses lalaki sa kabilang linya. Ang CEO pala ng company.

"Ok sir." Maikli niyang tugon at agad nagtungo sa office ng boss niya.

Samantala..

"Glaiza! Hi.. Di ka raw sumasagot! Kanina pa hinihintay ni Rhi ang tawag mo." Bati ni Sheena pagkalabas nito ng building.

"Hello Sheen. May emergency meeting kasi kami and yun instead na umuwi ako dumiretso nalang ako dito to surprise her." Nakangiting tugon ni  Glaiza.

"Bakit kasi minsan mo nalang sinusundo si Rhi? Sinasanay mo na ba sarili mo? Sabagay matagal-tagal din ang 2 years ah.. Kung ako siguro I'm sure mamimiss ko ng sobra ang boyfriend ko!" Tuloy-tuloy na salita ni Sheena na hindi naman totally maintindihan ni Glaiza. Nagdrama pa ito na kunwari umiiyak.

"Teka.. Sinasanay saan? Saka anong 2 years? Sorry ha di ko lang kasi masyadong na gets eh!" Curious na tanong ni Glaiza.

"Don't tell me di mo pa alam? Rhian is 1 of the employees to work at Co. HK branch!" Sabay pagtaas pang boses na sagot ni Sheena.

"No way. I mean.. Nagbibiro ka lang di ba?" Biglang kinabahang tanong nito.

"I'm sorry di mo pa pala alam." Malungkot naman na ganti ng kausap.

"Babe! Let's go.." Biglang tawag kay Sheena ng lalaki na nasa sasakyan at kinakawayan siya.

"I have  to go. Nandiyan na bf ko. Just talk to Rhian nalang ha? Di ko din alam reason niya why she didn't tell  you. Bye Glaiza." At tuluyan ng umalis si Sheena. Naiwan namang tulala si Glaiza. Di siya makapaniwalang magagawa ng girlfriend niyang ilihim ang ganoong bagay.

Maya-maya nakita na ni Glaiza na papalabas na ang girlfriend niya pero umiwas ito ng tingin hanggang sa makalapit na ito sa kanya.

"Hi lablab. I'm sorry natagalan ako ng baba kasi naman tumawag pa si boss may pinakuhang papel sa office niya." Tugon nito sabay halik sa pisngi ng girlfriend. Kahit medyo kinakabahan hindi ito pinahalata ni Rhian pero ang malamig na reaksyon ng girlfriend niya ay halatang-halata.

Walang imik si Glaiza. Diretso itong pumasok ng sasakyan. Sumunod naman si Rhian at naupo na sa frontseat.

"Lab, may problema ba tayo?" Nag-aalalang tanong ni Rhian ng magsimula ng magpaandar ng kotse si Glaiza pero tahimik pa rin ito.

"Baka naman may gusto kang sabihin.. Bakit di ka magsalita lab?" Tanong niya ulit. Pero sa halip na sumagot si Glaiza nagsalubong ang dalawang kilay niya.

"Baka ikaw ang may gustong sabihin?! Kailangan pa talaga sa ibang tao ko malaman? Anong balak mo? Wag ipaalam sakin? For God's sake Rhian! Bakit?!" Di napigilan ni  Glaiza ang magtaas ng boses. Kahit kailan di niya pinagtaasan ng boses ang girlfriend. Ngayon lang. Sobrang sakit ng nararamdaman niya pero hindi niya nagawang umiyak kaya nailabas niya ang hinanakit sa pagsigaw.

Lalong kinabahan si Rhian. "Alam na niya.. Bakit kasi di ko agad pinagtapat sa kanya." Sa isip nito sabay tulo ng luha. Di niya alam ang sasabihin.

"I'm sorry.. I'm so sorry. I just don't know how to say it to you. Ang hirap. Sobrang hirap knowing na wala akong choice kundi gawin kung ano ang tama kahit alam kong kapalit nito ay malalayo sa tabi mo." Tuloy tuloy ang pagpatak ng mga luha ni  Rhian habang nakayuko lang siya. Nahihiya siyang tumingin sa girlfriend dahil alam niyang mali ang naging move niya.

"Tapos ano? Hihintayin mong aalis kana saka mo sasabihin o kapag nandun kana?! Ang unfair mo eh. Ang masakit sa ibang tao ko pa malalaman. Kaya pala ayaw mong sunduin kita! Di mo man lang naisip ang mararamdaman ko! Bakit ikaw lang ba ang masasaktan? Ako rin naman ah!" Galit pa rin ang boses ni  Glaiza sa pagtugon nito. Bawat patak ng luha niya pinupunasan niya.

May Tayo Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon