Chapter 14

2K 131 87
                                    

Nagvideocall na ulit sila matapos maligo ni Rhian.

15mins before 10pm.. Nagsimula ng magkunwari si Glaiza na inaantok.

"Sleepy kana ba lablab? Sige tulog na tayo.. I love  you so much." Si Rhian na na-convince naman ng girlfriend.

"Yes lab.. work pa tayo bukas. I love you too." Sagot nito.

"Ok po.. sweet dreams mahal ko." Si  Rhian sabay binaha ng halik ang screen ng laptop niya. Kunwari naman kinilig si  Glaiza.

"Bye na lab ha? Good night." Tugon nito sabay isang kiss.

Nagkiss pa ulit si Rhian for  the last time bago pinatay ang tawag nila.

9mins nalang before 10pm.

Nagmadali na si  Glaiza lumabas at pagpaandar sa sasakyan, nagsimula rin siyang magdial ng number ni Solenn.

Time runs..

"Kala ko di ka darating eh." Tugon ni  Solenn pagkasalubong kay Glaiza sa labas ng bahay nila.

"Malakas ka sakin eh." Pacute naman na sagot nito.

Pumasok na sila sa loob at dumiretso na ng kwarto ni  Solenn.

Lumipas ang gabi na magkayakap lang ang dalawa.

Kinaumagahan..

Tawag ng tawag si  Rhian pero di naman masagot-sagot ni Glaiza dahil ayaw niyang makita ng girlfriend kung nasaan siya.

Ginawa niya ay nagmessage nalang.

"Lab nawawala connection ko.. nagloloko na naman. Chat nalang muna tayo ha? I love  you. Good morning." Sent.

Nakaintindi naman si  Rhian at nagchat na nga lang sila.

Sa bawat araw na lumilipas.. Ang ginagawa ni Glaiza ay nagpe-pretend nalang na katulad pa rin siya ng dati.

Sa kanila naman ni  Solenn, they just both go with the flow. Kung ano man meron sa kanila, only enjoying every moment na magkasama sila. More on actions and less in words.

Samantala si  Rhian.. Though minsan di niya maiwasang magtampo girlfriend kapag may mga sandaling hindi siya nito name-message, she just ignored it. Buti nalang at nandiyan si Yan. Alam na nito kung ano siya at dahil magaan ang loob niya dito, naging open sila sa isa't-isa maliban sa feelings na namumuo sa puso ni Yan.

6 months before Rhian's finish contract..

"Thank you for making this day extra special baby.." tugon ni  Glaiza sabay hawak sa kamay ni  Solenn pagkababa nila sa sasakyan at papasok na sa apartment.

"You're too special to me baby and  I just  want you to be happy." Sagot naman nito.

Ngumiti lang  ng pagkatamistamis si  Glaiza at humalik sa pisngi ni  Solenn.

Yumakap sa kanya si Solenn bilang ganti.

"Tara sa loob." Yaya ni  Glaiza habang magkahawak pa rin ang kamay nila.

Pagkabukas nila ng pinto, bubuksan na sana ni  Glaiza ang ilaw ng kusa itong sumindi sabay..

"HAPPY  BIRTHDAY!" bati ng lahat ng nandun..with cakes, balloons, confetti at foods na nakahanda na sa table.

Agad binitawan ni  Glaiza ang pagkakahawak sa kamay ni  Solenn kasabay ng mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib.

"Nay.. tay..kuya.. bunso.. my.." lumapit siya isa-isa sa mga ito at yumakap.

Nagkaisa silang i-surprise si  Glaiza dahil sa hindi naman daw siya makauwi sa kanila kaya siya ang pinuntahan nila.

"Happy  birthday nak.. na surprise ka ba namin?" Bati ng nanay niya.

May Tayo Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon