Mahalin, Ang Wika Natin

11.8K 38 25
                                    


Noong ako'y nagkaisip sa mundong ito,
Agad nagtaka, ano nga ba ang Filipino?
Ito ba ay parang hangin, na siyang bumubuhay sa atin?
Ating pag - usapan, upang ati'y malaman,
Hindi lamang dapat intindihin, ang wikang Filipino ating mahalin.

Hindi naman na masamang angkinin natin ito, dahil atin ito, ang wikang Filipino,
Matuto tayong makuntento, sa kung anong meron tayo,
Kung ang wika natin ay may mukha, siguro malungkot ito, kitang kita,
Harap - harapang pinagpalit, ang wikang pinagpakasakit,
Huwag natin apihin, ang sariling wika natin,
Bagkus ito ay dapat nating mahalin.
Dahil alam ko kung gaano kasakit, kasakit!
Alam ko kung gaano kasakit ang ipagpalit,
Na kahit gaano kahigpit ang aking kapit,
Sa taong tinuring kong para ko na ring kapatid,
Na akala ko'y di ako kayang ipagpalit,
Pero di pala ako sapat para sa kaniya,
Ako'y iniwan at humanap ng iba, parang ganun na nga kasakit,
Ang ipagpalit ang sarili nating wika.


Sa papaano nga bang paraan natin maipakikita,
Ang ating pagmamahal sa sarili nating wika,
Isipin natin ang ating minamahal, kung sila ang wika paano ipakikita?
Hindi lamang sa pagbigkas ng mga salitang "mahal kita" di ba?
Kundi sa paraan na pagpapakita ng kilos at gawa,
Para mapatunayan na siya'y mahal mo nga.


Maaaring pag - aralan ang iba pang mga dayalekto,
Huwag lamang kalilimutan ang wikang Filipino,
Sa pang araw - araw nating pamumuhay ano ang napansin?
Di ba wikang Filipino ang ginagamit natin?
Ito yung tatangalaw sa ating mga mithiin,
Kaya kaibigan huwag nang tanungin, Kung Filipino nga ba ang bumubuhay sa atin, Dahil para sa akin,
Malalaman mo lang ito, kapag iyo nang nagawa,
Ang mahalin mo ang sarili nating wika.


Tunay nga ang sinabi, ng ating pambansang bayani,
Kung sino man ang hindi marunong magmahal sa sariling wika,
Ay tunay ngang mas masahol pa sa malansang isda,
Huwag kang mag - alala kung hindi ka mahal ng taong mahal mo,
Nandiyan ang wikang Filipino na marunong sumalo,
Huwag gawing literal ang mga binibigkas ko,
Kapag ika'y may problema, galit at iniisip na hindi mo masabi,
Isulat, at sabihin sa wikang Filipino,
Wikang Filipino na handang ipahiwatig ang mga sinasabi mo,
Mabuti pa ang Filipino, naiintindihan tayo,
Kaya dapat na suklian, pagmamahal na totoo,
Kung hindi ka talaga makumbinse sa mga sinasabi ko, May tanong ako.


Ano bang mahirap kung mamahalin natin ito?
Hindi siya tulad ng iba na hindi marunong sumalo,
Huwag matakot na siya'y mahalin,
Dahil ang wika nati'y di tayo paaasahin,
Siya palagi ang nasasaktan dahil matagal na siyang nag - aantay,
Sa simula pa lamang minahal na niya tayo ng walang kapantay,
Huwag nang sayangin pa ang oras sa kahihintay,
Umiiyak na wika, ating patahanin, tanggapin, Intindihin.
Kaya ngayon ika'y tatanungin, Kaya mo na bang mahalin, ang wika natin?
---
© 2016 Laureant

A/N
Naisipan ko lang ito ipublish sapagkat ito ang pinaka unang beses kong gumawa ng ganiyang klaseng piyesa, At nanalo ng ikatlong puwesto. Pagpasensiyahan na lamang ang mga pagkakamali sapagkat ito pa lang ang aking unang piyesa sa "Spoken Poetry". Gusto ko lang siya ishare okay? HAHAHA. At para mahalin na rin natin wika natin. 😂😂😂 HAHAHA. Mwa. Lovelots.

Mahalin, Ang Wika NatinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon