Una sa lahat at hindi sa huli...
Maraming salamat sa lahat ng nagging parte ng aking buhay kolehiyo.
Sa mga professors na humubod at nagdagdag kaalaman sa amin, maraming salamat po.
Nawa'y marami pa po kayong matulungan sa mga darating pang henerasyon.
Sa mga magulang na gumabay sa amin, maraming salamat po. Kung wala kayo, wala din kami dito.
Sa mga darating na mga magkokolehiyo, isa lang ang masasabi ko sa inyo, GOODLUCK!!
Para sa mga kaibigan ko...
Pamental kayo!!!
Ay mali pala, hindi na tayo pwede roon dahil hindi na tayo mapagaling.
Sa mga nakibarkada sa amin...
Wala lang? Bakit sinabi ko bang bumarkada kayo saamin? Hindi naman diba?!!
Sa NSTP prof naming...
Maraming salamat dahil sa inyo natuto kaming maglinis at magfeeding program kahit na halos kalahati ng pagkain duon ay naubos naming magkakaibigan. :D
Sa P.E. prof naming noong second year ...
Maraming salamat dahil natuto kami ng self defence.
Natuto rin po ako kung paano hampasin at takutin ang mga abnormal kong mga kaibigan kapag mga walang ginawa kundi ang busitin ako.
Sa thesis prof po naming...
Maraming salamat din po dahil sa tinuruan nyo kami kung paano matuto mula sa pagkakamali at ang pagiging matyaga.
Sa subject na ito ko rin naranasan kung paano matuyuan ng utak, magsunog ng kilay at higit sa lahat, ang mag-ipon ng eye bugs.
Sa agriculture prof naming...
Thank you po dahil natuto kaming magtanim at kumain ng madaming gulay.
Ditto ko rin po naranasan kung paano mag-amoy damo at dumi ng kalabaw.
Higit sa lahat, ang magbatuhan ng putik kapag wala nang magawa at mangati nang dahil sa mga peste!!
YOU ARE READING
Meet my friend; The Ketchup Girl
Short StoryNakakita ka na ba ng mga babae na nakawala sa mental? And worst, nakakita ka na ba ng babaing lahat ng kinakain, may kasamang ketchup? Kung hindi pa, then mas maganda siguro kung basahin nyo na lang ito.