EPILOGUE

12 2 1
                                    



Zaireen's POV


After the graduation ceremony, lahat nagdidiwang. Maliban na lang siguro sa'kin. Yung buong field ng school, napupuno ng mga students with their parents. I looked to all of them, karamihan sa kanila Masaya pa din kahit na wala silang kahit na ano. Yung parang feeling blessed na rin sila kasi nakatapos sila? Sana ganyan na lang rin ako. Masaya kasi nakagraduate. Masaya kasi kasama yung magulang sa kahit na anong okasyon. May proud na magulang na naka-abang sa likod.


Napatingin ako nung may kumalabit sa'kin. Isa pala sa mga prof ko. "Graduate kana. Congrats!" sabi pa nito sa'kin. Nginitian ko naman sya. Isa kasi sya sa mga mababait kong prof na lagi naming nakakabiruan. "dapat magsaya ka! Aalis ka na ng school eh!!" natawa naman ako sa biro nya. Sobrang energetic pa rin kasi nya kahit na matanda na sya. 


Nilapitan naman ako nung dalawa, "Zaza!! Aalis na muna kami ok? Kailangan kasi naming umuwi sa kanya-kanyang bahay eh. May inihandang celebration sina mama!! Gusto mo bang sumama?" sunud sunod na sabi ni Gin. "Ok lang? Sige na una na kayo. " "Ingat ka pag-uwi ok?" sabi pa ni Gin. "bye!!" I waved my hands to them as they walk going to their own family.


Naubos na ata yung mga tao sa school pero nandito pa din ako. Ang saya!! Wala man lang atang naka alala kung anong meron ngayun!!


Naglakad na lang ako pauwi kahit na masakit pa 'yun sa sakong ko. Ang taas naman kasi ng hills ko? 3inches!! Haha!! Hindi kasi ako sanay maghills. Pagdating ko sa harap ng bahay ko, tinanggal ko na yung hills ko. Masakit na kasi talaga!! Tinignan ko muna yung bahay mula sa labas. Patay yung ilaw...haha!! Malamang!! Walang tao sa loob eh!! Sino naman kasing binola ko.


Muntik ko nang makalimutan. Sina manong nga pala, umuwi sa kanila. Graduation din kasi nung anak nya. Ang pinagkaiba lang, HS yung anak nya at ako College. Si Luke naman, may problema daw sa pamilya. Kaya naman talagang ako lang yung magiging tao dito. Kung tinatanung nyo naman yung mga magulang ko, andun sila! Sa may US!! Nagpupursige sa mga negosyo nila. Hindi manlang nila naalala na graduation ko ngayun!!


Buti pa sila Gin at Bianca, yung mga magulang nila kahit na busy nagawa pa ring umuwi para sa anak nila. Samantalang yung mga magulang ko? Ay nako, tamana nga 'to?


Naglinis na muna ako ng katawan ko tapos nahiga na. wala pang ilang minutog nakahiga, kumalam na yung sikmura ko. =________________=


Pasaway!! Nagpadeliver na lang ako ng 2boxes of pizza. Pagkakain ko, natulog na din ako.




Nahimasmasan ako nung may sumampal sa mukha ko!! Hindi lang 'yun!! Sinipa pa ako para malaglag sa kama!! Aba't!! ang sakit kaya nun'!! Pagtayo ko, nakita kong may ibang tao sa loob ng kwarto!! 


Halaa!! Naiwan ko bang bukas yung pinto at yung gate?!


Pilit kong inaninag yung mga nasaharapan ko, kaso kasi madilim yung paligid. patay kasi yung ilaw. Malamang. Paano na ngayun 'to? uwaaaaaaaaa!!


Meet my friend; The Ketchup GirlWhere stories live. Discover now