Dati sa ating Pilipino dalawa lang ang naghahari: PUSO "Pag-ibig" at UTAK "Isip". Pero bakit may nakikigulo na? Ang salitang LIBOG "SEX".
Sa isang relasyon napapasama na ang Libog "sex". Bibihira na lang sa mga magkarelasyon ang hindi pa nagtatalik. Ewan ko kung bakit pero sabi ng iba ito ay nangyayari sa kadahilanang mas naiimpluwensyahan na tayo ng kultura ng ibang bansa.
Kung dati puso at isip lang ang meron sa isang relasyon para tumagal ngayon kasama na ito. Base sa aking obserbasyon, mga nababasang libro , articles at kung anu-ano pa nagiging mas matibay "DAW" ang isang relasyon kung meron nito. Isa din "DAW" itong dahilan kung bakit mahirap maghiwalay ang magkasintahan may "MAS" malalim "DAW" na PONDASYON.
WHAT THE HEKK!! Nagiging dahilan pa nga ng mga "BREAK-UP" kapag di pumayag si Girl/Boy na gawin ito. Kailan pa nagging sukatan ng pagmamahalan ang sex? Kalian pa nakigulo sa away ni Puso at ni Utak itong si Libog? Minahal mo ba siya dahil nalilibugan ka sa kanya? Tandaaan mo iba ang Lust sa Love. At kailan man hindi ito magiging isa. Madalas nagkakamali ang mga tao ang inaakala nilang LOVE ay LUST pala kaya may relasyon na sa oras na makuha na ang gusto natatapos na din ang relasyon. Kaya dapat alaming maigi sa sarili huwag padalos-dalos.
MIND, LOVE and LUST. Sa tatlong nabanggit ang dapat palaging mamuno ay si MIND para hindi masira, magkanda letche-letche ang buhay mo, pero mas madalas na palaging binabaliwala at inuuna sina LOVE at LUST kaya palaging nasasaktan o nadidisgrasya ang mga tao. Lagi ninyong tatandaaan dapat ang pagkasunod-sunod ay MIND,LOVE and LUST hindi LOVE, LUST and MIND o LUST,LOV and MIND etc.
MAG-ISIP KA MUNA TSAKA MO PAKIRAMDAMAN AT PAG AYOS NA YUNG ISA EH BONUS NALANG.
WARNING: wag masyado mag-ano. Mahilig ka makipag sex tapos pag "NABUNTIS, NAKABUNTIS o NAHAWA" iiyak ka. Eh pautang lima mo pala eh. Mag-isip ka ka muna wag basta lusob lang ng lusob gumamit ng contraceptives kung kinakailangan para iwas disgrasya.
Nagiging ganon naba kaliberated ang mga Pilipino? Asan na ang pagiging "MAGINOO" at MARIA CLARA" ng mga Pilipino? Tuluyan nabang nabura ito dahil sa impluwensya ng ibang mga bansa? Sukatan na din ban g Pag-ibig ang SEX? Marami akong tanong sa isip ko na mahirap makuha ang kasugatan. Marahil kasama ng pag-unlad ang pagbago n gating mga pag-uugali at malamang isang imahinasyon nalang natin makikita sina "MAGINOO at MARIA CLARA".
Writer's message to the readers (if ever na may magbabasa)
Kung ayaw makipagsex ni GIRL/Boy sayo di dapat maging kasiraan iyon sa inyong relasyon. Taena kayo ang babaw ng dahilan niyo kung ganon. Tandaaan niyo hindi naging sapat na dahilan iyon para iwan/saktan ang babae/lalaki.
"For BOYS/GUYS/GENTLEMEN"
Wag pilitin kung ayaw, maybe she was not ready or she's reserving it to her future husband. Hindi naman kabawasan sa pagkalalaki mo/natin kung hindi tayo makaiskor sa kanila, not because you are gay or what kundi you respect her and you are willing to wait.
"For GIRLS/WOMEN/LADIES"
Porke ba tumanggi bakla na agad.? Hindi ba pwedeng sobra ka ninyang iginagalang at minamahal kaya ayaw niya. Isipin ninyo ang temptasyon pinipigilan naming para mapanatili ang virginity ninyo, pero kung hindi kana virgin take a look into the other side we still respect you even thou we know that you are not virgin anymore.
Thank you sa nagbasa .
May Pinaglalaban
by Mark Joshua Cuervo
Hindi porket mahal mo ang isang tao at mahal ka din nito e dapat maging kayo. May mga bagay na kahit anung pilit hindi talaga pwedeng magsama katulad nalang ng mantika at tubig.
BINABASA MO ANG
LiBoG AnG BaGoNG AsPeTo
Randompara po ito sa lahat... lalaki babae bakla tomboy bata matanda. . at lahat ng mababasa nyo dito ay gawa ko wala akong pinagkopyahan... ang mga articles ko ay nakabase sa mga nabasa naobserbahan ko at natutunan ko .. enjoy po sa pagbasa .. :D