Chap. 12 Loves me not

75 3 2
                                    

ginanahan ako mag update dahil sa ganda ng cover ko! atlast! haha.. care of ms. Jserdrano

Tags-->

-- 

Oj's pov

*sigh.. kahit kailan talaga to si nyx hindi na nagbago! pangatlong yosi ko na to wala parin! sabi ko nang bilisan dahil baka hanapin ako agad ni jass tsk!

kailan kaya to magtitino!?

hmm.. sabagay wala ngapalang matino saming lima buhay gangster nga kaming lahat eh.. medyo na unat lang ng konti yung landas namin nung nakilala naming lahat si jass..

medyo napa iwas ng gulo.. medyo nabawasan ang gimik lalo na ang babae! ikaw ba naman makasama mo ang nawawalang anak ni satanas hindi ka ba babait! hahaha.. nakahanap ata kaming lima ng katapat! isang babaeng t*antad* pa saming lima..

ang siste nga eh.. nag mumukha pa kaming mabait pag kasama namin sya.. sya pa kasi ang madalas mapaaway.. madalas masangkot sa gulo.. madalas mang trip ng kung sino sino.. at kami ang tumatayong mga taga awat at taga pagyapa pa sa kanya.. ganyan katindi yan si jass!

but last night.. she was horrible hindi ko akalain na magkakaganun sya.. hindi lang yon basta espiritu ng alak eh.. pumitik na sya.. bumigay na.. hindi na nya kinaya yung bigat at sama ng loob na kinikimkim nya.. akala naming lima noon kami na ang may mga pinaka masasaklap na buhay.. akalain ba naming may mas malala pa samin!

akala namin noon kami na ang mga pinaka g*go at pinaka t*rantado.. tapos meron palang Jace Serinity Sylvestre na bubuhay sa mundo! pero kahit ganun sya.. kahit gano sya ka demonyita o ka t*rant*do.. kahit ganun ka gaspang ang ugali nya.. mahal namin sya lalo na yung mokong na si nyx!

may kakaiba kasi kay jass.. yun bang pag nakilala mo kung sino talaga sya mamahalin at mamahalin mo talaga sya.. yung ibang mukha ni jass yung tinutukoy ko.. yung jass na pinakita nya samin sa loob ng apat na taon yun yung jass na hindi nakikita ng sino man ang swerte lang talaga namin at naging kaibigan namin ang isang jass sylvestre..

"tol!" nabasag ang katahimikan.. dumating din sa wakas!

"kala ko hindi ka na sisipot eh! mauubos ko na yung kalating kahang yosi sa kupad mo tol!" talo pa pagong sa sobrang kupad eh!

tinapon ko na yung yosi ko tsaka ko niyaya si nyx sa loob ng kotse ko.. nandito kami sa parking lot ng condo building ni zed..

"medyo na trafic lang.. kamusta sya!?" sya agad hinanap! aba!

"yan tayo eh! si jass agad hinanap mo! ako hindi mo kakamustahin? minsan iniisip ko mas mahal mo pa si jass kesa sakin na bestfriend mo--arekup--maka batok ahh!!" tsk.. minsan lang mag eemote na batukan pa!

"para ka kasing timang!" ipinatong nya pa yung paa nya sa dash ng dodge charger ko! ampucha!

"oy yung paa mo chong! kayong dalawa ni jass namumuro na kayo ng kakabatok sakin huh! palibhasa yung mga kamay nyo gawa ata sa asero yan eh!" ang kati tsk! next time nga mag susuot na ko ng helmet! "si zed ang nagbabantay sa kanya.. ayos lang yun! ikaw san kagaling!? mukhang hindi ka pa umuuwi ah.. kagabi mo pa suot yan eh!"  tsaka ang baho nito.. amoy nabasang upos ng sigarilyo!

nagulat sya sa huling sinabi ko at napaayos pa ng upo ang loko.. "nakita mo ko kagabi!" ano akala nya invisible man sya para di makita! eh ang lakas pa naman ng radar ko!

tinignan ko sya ng seryoso.. "bat hindi ka manlang lumapit samin kagabi?" nasagap ko kasi sya kagabi sa tapat ng chaos at tumalilis nalang bigla sakay nung ivo nya.. akala nya ata walang makakapansin sa kanya!

The devil's smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon