Prologue

3.6K 143 34
                                    

PS: Ito ay kathang isip lamang at  siyempre hindi ito mangyayari kina Maine at Alden, except the wedding kasi lahat tayo, iyon ang gusto. Ayie.. Gusto ko lang mag explore. Ipopost ko ang whole story kapag tapos na, it's just 10 chapters (maybe)so it's okay. Nasa half na ako so probably next month? Pero pag nagbago isip ko, pwede ko na ipost yung nagawa ko.

Credits sa photo na nakuha ko sa google for the book cover. Thank you. Kung sino man po gumawa nito. 

✌

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Successful concerts

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Successful concerts.

Blockbuster movies.

Trusted commercial endorsers.

In-demand magazine covers.

Platinum albums.

Ano pa nga ba ang mahihiling nina Alden at Maine ? Kumbaga 13th month pay na nila ang pag-ibig na natagpuan nila sa paglipas ng panahon. Bonus pa ang AlDub Nation na umaalalay sa kanila.

Pinaglapit ng pagkakataon.

Pinagtagpo sa tamang panahon.

Ngunit nabago ang lahat sa hindi inaasahang aksidente na bumago sa kanilang mundo.

Sa araw ng kanilang kasal ay nabundol ng truck  si Maine nang habulin niya si Alden dahil pinuntahan niya ang mga fans sa kabilang kalsada na gustong saksihan ang kasalan nila.

Nabalot ng kalungkutan ang buong mundo sa pangyayaring ito.

Pero hindi dito nagtatapos ang kanilang kwento.

Nangako sila sa isa't isa na magsasama sila habang buhay at walang sino man ang makakapaghadlang sa pag-iibigan nila.

Sabi nga ng karamihan, marami ang nagagawa ng pag-ibig. Kaya mong umakyat sa Mount Everest, languyin ang Pacific Ocean at tumawid sa dagat-dagatang apoy.

Ngunit mukhang nasobrahan naman yata ang pagmamahal nitong si Maine kay Alden na nagawa niyang bumangon mula sa hukay.😱

Planado na ng mga writers ng Eat Bulaga ang Kalye Serye Part 3 kung saan ay magsisimula ang panibagong yugto sa buhay nila bilang mag-asawa. Ngunit nang mamatay si Maine ay napagdesisyunan nilang bigyan ng sequel ang Kalye Serye ngunit iba na ang bida dahil dito lamang kumikita ng malaki ang kumpanya at naniniwala sila na mabibigyan nila ng hustisya ang pamamayagpag ng Kalyeserye.

Habang binabasa ni Alden ang script niya ay parang namalikmata ito at nakita si Maine sa salamin. Siya ang magpapakilala sa sambayanan kung kaninong kwento naman ang magsisimula sa Kalye Serye Part3 at upang magpasalamat sa AlDub Nation sa suporta at pagmamahal nila.

Noon pa lamang nagsisimula sila ay nangako sila Maine at Alden sa isa't isa na dadalhin nila ang Kalye Serye hanggang sa pagtanda nila upang magpasalamat sa mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanilang dalawa.

Labag man sa loob ni Alden na bigyan ng bagong mukha ang KalyeSerye, alam niya ang kalakaran sa showbusiness at napapagod na rin ito sa pag-aartista buhat nang mawala si Maine.

Hiniling niya sa staff na irecord na lang ito dahil lagi niyang naalala si Maine sa tuwing nakatingin siya sa screen.

Mag-isa lang siya sa recording studio upang makapagconcentrate ito.

Tinuruan na rin siya ng mga cameraman kung paano galawin ang mga naglalakihang camera upang hindi na ito mahirapan.

Pagbukas niya ng ilaw ay nanlaki ang mga mata nito nang makita si Maine na nagdudubsmash sa harapan niya.

"I really really really really like you.. and I want you, do you want me, do you want me, too?" panggagaya ni Maine sa kanta.

Kung gaano kalikot ang mukha niya sa pagdadadubsmash noon ay wala itong pinagbago.

Nakasuot ito ng puting dress at nangingitim pa ang ilalim ng mga mata niya. May tahi sa noo niya at may mga dugong namuo sa mukha niya.

Agad na pinatay ni Alden ang ilaw at agad niyang isinara ang pintuan.

"Namimiss mo lang siya. Namamalikmata ka lang.." bulong sa sarili.

Unti-unti niyang ipinihit ang door knob at binuksan muli ang ilaw,.

Halos himatayin ito nang magdubsmash muli si Maine at palapit pa ito ng palapit sa kanya.

Lalo itong kinilabutan nang madulas si Maine dahil natabig ni Alden ang tubig. Humiwalay ang isang paa ni Maine ngunit para lang niyang nilagyan ng glue ito nang ikabit muli sa binti niya.

Nabitawan ni Alden ang script niya at napa-atras ito.

"Bibi boy! Bakit ka ba lumalayo. Tara na honeymoon na tayo.." nakangiting sabi ng zombie na si Maine.

"Bibi girl?" takot na sambit ni Alden.

"Yes bibi boy?" pagpapacute ng dalaga.

Dahil sa sobrang takot ay nawalan ng malay si Alden.

"Bibi boy nemen eh.."

Sa kanyang pagbabalik, tanggapin kaya siya ng mga tao o siya na mismo ang babalik sa kanyang mundo?

Nagmahal, Nasaktan, Nagmulto?

Nagmahal, Nasaktan, Nagmulto.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon