The Status

1.7K 84 33
                                    

Agad na umuwi si Alden at hindi na hinintay pa si Wally. Alam niyang mali ito ngunit gusto niyang maramdaman na buo muli siya. Na nandiyan si Maine sa tabi niya upang suportahan siya.

Kanina pa niya naririnig ang cellphone niya na nagriring ngunit hindi niya ito masagot dahil nagmamadali siya.

Hindi matigil ang mga luha sa mga mata ni Alden habang nasa byahe. Tanging si Maine lang ang nasa isip niya. Ayaw niyang sayangin ang pagkakaton na nasa tabi niya ang pinakamamahal niya.

Nakaharap si Maine sa salamin habang hawak ang kutsilyo. Kahit na sumakabilang buhay siya ay nakakaramdam ito ng sakit sa pag-iwas sa kanya ni Alden. Ang buong akala niya ay ikatutuwa ito ng minamahal niya ngunit nagkamali siya.

Pero hindi naman siya magpapakamatay. Tatapyasin niya lang ang mga patay na balat na lumuluwa sa mukha niya.

Agad na tumakbo si Alden pa-akyat ng kanilang condo upang puntahan si Maine. Naabutan niya itong nagluluto sa kusina kaya nakahinga siya ng malalim.

Bibi girl..” bulong nito.

Kahit amoy lupa si Maine ay agad niya itong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo. Muntik pang lumubog ang lips niya sa noo ni Meng ngunit hindi na niya ito pinansin.

I’m sorry..” tugon nito. Hinawakan niya ang pisngi ni Maine at hinawi ang buhok nito.

Naiintindihan kita Alden.. Kanina, gusto ko nang tapusin yung buhay ko. Pero naalala kita. Sino na lang magluluto ng pagkain mo? Sino na lang magpapa-alala sayo na punasan mo  lagi ang pawis mo.” maluha-luhang sabi ni Maine habang nakatitig sa mga mata ni Alden.
Napatingin si Alden sa lamesa nang makita niya ang mga pagkain na inihanda ni Maine.

Kain na tayo?” tanong ni Alden. Magkaharap sila ni Maine sa lamesa. Pinapanood lang niya na kumain si Alden dahil hindi naman siya nagugutom, nauuhaw o inaantok.

Bakit?” tanong ni Alden nang makita niya na parang umiiyak si Maine. Agad na pinunasan ng dalaga ang mga luha sa mata niya.

Ilang buwan pa lang ako nawala, pero ang laki na ng ipinayat mo. Yung mga mata mo, kasing lalim na ng mga mata ko..” malungkot na sabi nito.

Pero hindi kasing lalim ng mga mata mo bibi girl. Napuyat ka ba?” biro ni Alden.

Kasi naman eh.."nagpout si Meng at yumuko ito sa lamesa. Hindi rin niya inaasahan na masisira ang lamesa na sinadalan niya dahil sa sobrang lakas niya. Nagkatinginan na lang sila ni Alden at pinagtawanan ang nangyari.

“Nakakainis ka bibi boy. Nawala na yung biceps mo. Yung payb na abs mo, parang lumubog na..” reklamo ni Maine. Inangat niya ang tshirt ni Alden at kita niya ang malaking pagbabago sa hubog ng katawan nito.

Bakit pa ko magpapa-abs kung wala ka na? Alam mo namang for your eyes only ito..” sabi ni Alden.

Teka may naisip ako..” nakangiting sabi ni Maine.

Agad siyang nagtungo sa munting bodega nila ni Alden at kinuha ang yoga mat niya at ilang dumbbells ni Alden.

Nanlaki ang mga mata ni Alden sa kanyang nakita.

Dati, hirap na hirap kang buhati ung dumbbells ko bibi girl..” tulalang sabi nito.

Not now Bibi Boy..” she said.

Inilatag niya ang yoga mat at doon umupo.
Ipinwesto rin niya ang mga gamit ni Alden upang makapag exercise sila.

Napapikit na lang si Alden nang makita niya kung paano humiwalay ang kamay ni Meng nang mag warm up ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nagmahal, Nasaktan, Nagmulto.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon