By: Nathalie GailAng hapag-kainan
Ay katumbas ng kanilang kaligayahan,
Bawat ngiti ng aking kababayan
Ay mai-susukat ng ngiting kabuoan.Ngunit isang mapinsalang kagamitan
Ang nagtapos ng kaligayahan.
Sa bawat tulo ng kanilang luha,
Malaki ang naidulot sa aking puso upang masugatan.Natapos ang kanilang buhay sa 'di wastong oras;
Sa pagsabog nito'y puso ko'y na-butas;
Sa bawat patak ng kanilang mga luha,
Tagos sa aking puso ang kanilang nadarama.Katuwang ng lungkot ay kaligayahan ang masusunod.
Habang malakas pa ang pag-ulan, darating din ang panahon
Bahaghari na man ang magpapangiti ng kanilang lungkot.Habang tayo'y nababaon ng lungkot,
Labis kong inihahandog
Ang tula ng makatang handang maghandog
Ng kaligayahan sa tirahan ng aguilang busogSa pagmamahal ng buong bayan,
Ako'y kabilang at nakikipagdamayan
Ng simpatya sa mga taong nawalan.
Sana sila'y nasa mabuting kinalalagyan.Ang ibong Aguila ay lilipad sa kinababagsakan,
Lilipas ang panahon pero hinding-hindi malilimutan
Ang sakit na natamo sa pusong sugatan.
Lilipas din ang lahat upang masungkit muli ang kaligayahanNa ang ibong Pambansa,
Ay lilipad muli sa himpapawid
Habang ang sugat ay naghihilom ng muli.
At ang kaligayahan ay muling babalik.Habang pinagbubuklod-buklod pa ang nawasak na tahanan,
Magmamasid muna ang Aguila at manghatak ng ahas sa lipunan.
Upang mapanatiling matiwasay ang kanyang kagubatan.
