LDR [1]

1.5K 48 18
                                    

LDR

Chapter 1

Lumabas yung mga kaklase ko sa room pag katapos naming mag –usap ni Toff.

“ Kausap nanaman ang kanyang boyfriend” sabi ng isa kong kaibigan.

“aba syemps, nag sabi lang ng goodluck sakin then natulog na rin”  sagot ko naman.

“ natulog? Suuuuuus, nag tulog tulugan lang yan. Mag lulunch time pa lang oh. “ tumingin siya sa relo niya.

Hindi naniniwala na tiga ibang bansa si Toff ang mga kaibigan ko. Hindi rin sila naniniwala na si Toff yung ginagamit niyang picture, kumbaga… poser daw. Ako naman 85 % na naniniwala na si toff yun tapos yung 15 % medyo nag dududa ako.

“ Hay nako, bahala ka. Basta Masaya ako at tinawagan ako ni toff”  sabi ko.

Exams namin ngayon, usapan naming ni toff, hindi kami mag uusap kapag may exams, kumbaga mag aaral lang kami, bawal ang istorbo. Pero Masaya ako dahil hindi niya napigilang tumawag sakin.

After 15 mins, pumasok na rin kami sa room dahil dumating na ang aming proctor.

Exams were easy, hindi ko alam kung bakit. My seatmates were copying my answers at dahil good mood ako, pinabayaan ko nalang silang kumopya. Pagka tapos naming mag exam, sabay sabay kaming umuwi, dahil walking distance lang naman ang layo ng mga bahay namin sa school.

“ Lianne, hindi naman sa nega ako ha.. pero sureness ka na ba sa lalaking yun? You’ve been dating for more than a year, tapos ni hindi kayo nag papakita sa cam. Lokohan lang ba kayo niyan?” sabi ni steff, ang pranka kong kaibigan.

“ Steff, alam ko sa sarili ko na totoo ako, ewan ko siya.” Alam ko naman na totoo ang mga pinapakita kong picture. Aminado ako sa sarili ko na hindi ako maganda.

“ Eh siya? Totoo ba siya? Yung pinakita niyang picture eh parang.. hindi siya. Ang gwapo niya para makipag kaibigan at relasyon lang sa net, diba? Or let’s say he’s real you think wala siyang girlfriend dun? Sa gwapo niyang yun?”

Napaisip ako dun, ang gwapo nga naman ‘niya’.

“ Steff, may tiwala ako sa kanya. Mahal ko siya, tapos!”

Yung iba kong kaibigan, hindi sila umimik kunyari nalang wala silang nakikinig, alam ko naman na iniisip din nilang poser si toff, hindi lang sila kasing prangka ni steff. Samin ang pinakamalapit kaya ako ang naunang naka-uwi sa kanila.

Pag kadating ko sa bahay, uminom muna ako ng tubig at dumiretso sa kwarto, kinuha ang laptop at nahiga. Tiningnan ko ang pic ni toff, siya kasi wallpaper ko.

“ Totoo ka ba? Wag mo sana akong lokohin “ sabi ko sa picture niya.

Dinalaw ko ang fb niya, maraming pictures niya.. marami ding pics ng family niya. Kaya parang ang hirap mag judge. Pero bakit hindi siya nag papakita sakin sa cam? Lagi nalang reason niya is ‘ nandito kapatid ko. Nandito mga pinsan ko. ‘

 

Sinasabihan niya akong mag pakita sa cam, pero ayaw ko. Gusto ko fair. Tsaka baka kasi irecord ako, i-edit, ilagay kung sang website.  Sigurista lang ako.

1 year and 11 months na kami, tagal na no? sa totoo lang, siya ang first boyfriend ko, hindi ko alam kung i-coconsider ko to as first kasi walang assurance na totoo siya at sa INTERNET lang to.

My friends asked me, what if daw kung poser siya. Will I still love him? Sabi ko naman, Syempre, hindi yung pag katao naman niya ang minahal ko hindi yung mukha  niya.

Siguro naman totoo yung ugali na pinapakita niya sakin diba? Tanggap ko ang kahit anong appearance niya, mahal ko siya eh.

*^*^*^

Kayo, what if kung fake lang yung pic na pinakita niya.. pero totoo yung ugali niya..

Tatanggapin at Mamahalin niyo pa rin ba siya?

Comment/Vote/Fan

Follow me on twitter

‘ julianneisa ‘ 

Long Distance Relationship [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon