Nasa Bibliya ba na ang Iglesia ay tatawaging 'Iglesia Katolika'?

180 2 1
                                    

Ang Salitang ‘Katoliko’ ay literal na nangangahulugang ‘sumasaklaw sa kabuuan’. Sa Ingles ay Universal. Sa Latin naman ay ‘Universa’ at mababasa natin sa Biblia na ang Iglesia ay Universal. Eto po:

“Et factus est timor magnus in UNIVERSA ECCLESIA et in omnes qui audierpunt haec(Acts 5:11 Latin Translation)

Ang ibig sabihin ng ‘Universal’ ay para sa lahat ng mga bansa. Bakit naman tinawag na Universal ang Iglesia? Dahil si Kristo mismo ang nagsabi na ang ITATAWAG SA KANIYANG BAHAY ay ‘BAHAY panalanginan ng LAHAT NG MGA BANSA”

“Ang aking Bahay ay tatawaging Bahay panalanginan ng lahat ng mga Bansa” (Marcos 11:17)

Ano ba ang Bahay ng Diyos sa bagong tipan? Ito po ang sabi ni San Pablo

“Upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa BAHAY ng Dios, na siyang IGLESIA ng DIOS NA BUHAY..” (1 Timoteo 3:15)

Samakatuwid, ang BAHAY ng Dios ay ang IGLESIA. At ang sabi ni Kristo, ito’y TATAWAGIN NA PARA SA LAHAT NG MGA BANSA. Kung kaya’t marapat lamang na tawagin ang Iglesia na pang BOONG Mundo.

“At nagkaroon ng kapayapaan ANG IGLESIA SA BOONG Judea at Galilea at Samaria ..”(Gawa 9:31)

Mapapansin na sa kabila ng iba’t ibang lugar na kinaroroonan ng Iglesia , ay binanggit na ang mga lugar na ito gaya ng Galilea, Judea at Samaria ay bumubuo lamang sa IISANG IGLESIA. Sa Orihinal na Salin ng Griego, eto an gating mababasa

Ho men ho EKKLESIA KATHOLIS ho Ioudaia kai Galalaia kai Samareia..” (Acts 9:31 Original Greek)

Napakalinaw. Na nabanggit ang mga salitang KATA HOLOS (KATHOLIS ayon sa bigkas). Sa kaalaman ng lahat, ang salitang KATOLIKO ay nagmula sa mga salitang KATA – HOLOS. At malinaw naman sa talata na ang Iglesia ay tinawag na KATHOLIS (Katoliko). Dahil ang Iglesia ng Biblia ay sinasabing para sa LAHAT NG BANSA o SA BUONG MUNDO. Ay hindi masama at marapat lamang tawagin ang Iglesia na KATOLIKA (Pangkalahatan)  dahil NAAANGKOP NAMAN ITO SA IGLESIA.

SALITANG sinalita sa kaUKULAN ay gaya ng mansanang ginto sa mga bilaong Pilak(Kawikaan 25:11)

At dahil dito, ay mapapatunayan na ang Iglesia Katolika nga ang TUNAY NA SUMUSUNOD SA DIOS, natupad ang hula na binabanggit ni Isaias, kung saan ang BAHAY (Iglesia) ng Dios ay tatawaging para sa lahat ng mga bansa (Katolika)

“..sapagka’t ang Aking BAHAY ay TATAWAGING bahay panalanginan PARA SA LAHAT NG MGA BANSA” (Isaias 56:7)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nasa Bibliya ba na ang Iglesia ay tatawaging 'Iglesia Katolika'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon