Introductions
Ako nga pala si Chloe Anne Aquino, for short, Chloe. Ako lang naman ang president ng high school student council. Ako lang naman ang crush ng bayan, di naman sa pagayayabang pero ako din ay isang huwaran na mag-aaral… At may tropa din ako noh. Andyan si Tin, Ayeza, Rain at Megan. Ang tagal na din naming magkakaibigan. Halos simula Grade 4, mga 9 years old palang kami nun. Magkakasama kami hanggang magdalaga, buti nga walang nawala sa amin, pero si Ayeza kasi ay kukunin na ng parents niya sa Amerika pagkatapos niyang mag-aral ng highschool dito sa Pilipinas. Ayun tuloy, ilan na lang kaming matitira. Maganda naman pagsasama naman this past 3 years. Wala akong lovelife, bawal pa eh. Ako ay ang panganay sa aming dalawang magkakapatid at yun ay si Coleen Camille Aquino na nasa Grade 5 na.
Ako nga pala si Christine Rae Beltran. For short, Tin-Tin. Ako lang naman ang vice-president ng high school student council. MAN-HATER ako. Ako lang naman President ng MEDIA club ng school namen, kung tutuusin, ako yung gumagawa at nag-pi-print ng mga kopya nang ilalabas. Sa madaling sabi, yung dyaryo ng school, pero syempre i-dadaan ko muna kay Ma’am Trisha na moderator ng club namin. Kasasabi lang nga ni Chloe, 3 years pa lang ang tropa namin. WALANG LOVE LIFE. Ako ang bunso sa tatlong magkakapatid na si Ate Ysabel Beltran, 3rd year college, si Ate Janelle Beltran, 4th year high school.
Ako nga rin pala si Ayeza Sohpia Domingo. For short, Ayeza. Ako lang naman ang Girl Marshall ng 1st year. Good girl naman ako sa school eh. Kaya nga marshall, anoba. Kami sa tropa, walang iwanan! Damay-damay! Kaso nga lang lagi ko nga sinasabi yan, ako rin naman yung maniiwan, tira na kasi kami sa America.
Ako nga pala si Julie Lorraine Fernando. For short, Rain. Ako ang tumatayong President ng Arts Club, ginawa ko to para sa tulad kong scholar ng dahil sa Arts, sa galing ko kasing mag-paint ako ang nananalo sa contests ng school kung saan maglalaban ang mga painters. WALANG LOVELIFE, focus sa pagaaral.
Ako nga pala si Ryseline Megan Mendoza. For short Lian. Ako ang President ng Otaku Org. Kung saan pangalan pa lang ay alam mo na ang dahilan at mga members dito. Proyekto namin ang i-drawing ang mga paborito naming Anime characters at saka ipapasa sa Art Club. Kaya malapit ako kay Rain. Magkababata kami, officemates kasi ang mga magulang namin.
Ako si Kevin Alexander De Leon. Ang nickname ko ay Vin. Ako ang coordinator ng HSSC, kaya nga lagi silang nakadikit sa akin pagalam nilang may project ang school. Kung ang girls may tropa na for 3 years, ako naman, wala. Kaya dito ako nakahanap ng bestfriend, si JP. Kaya dati, napalitan akong dumikit kay Sir Ren, magkaparehas kasi kami ng interes sa maraming mga bagay. Pero, wala akong girlfriend. Hindi kasi ako chick magnet. Pero si AYEZA, siya yung gusto ko.
Ako si John Paulo Santos. Tawagin niyo nalang akong JP. Ako ay ang boy marshall ng 1st year. Medyo timang nga ako dito eh, transferee lang kasi ako dito. Maganda rin naman dito eh. Kaso first day ko pa lang ay napagtripan na agad ako at ang nagplano yun ay yung best friend ko ngayon na si Vin. Meron naman na akong naging girlfriend, pero nagbreak kami agad kasi ayoko naman talaga sa kanya, napilitan lang naman ako. Inggit nga sa’kin si Vin eh, ako kasi yung madalas malapitan ng babae. Tuloy ito si Vin, laging kinakanta ang “Chinito” ni Yeng Constantino Unang araw palang, ang dami ng lumapit. Oha oha.
Ako si Ren Manalastas, ang Social Studies teacher ng 1st year.
Ako naman si Cha Garcia, ang Filipino teacher ng 1st year. Adviser ako ng 1st year.
Ako si Trisha Villaluna, ang English teacher ng 1st year.