Prologue

263 4 8
  • Dedicated kay Marina Montes
                                    

Aaron & Marina

Prologue

Sumisikat na ang araw, umiinit nanaman ang paligid… Ito ang simula ng araw na magbabago ng buhay ko.

September na ulit dito sa isla ng Ibiza, panahon ng pagbabago ng weather (from summer to autumn).

Irregular ngayon ang weather, minsan sobrang init, minsan sobrang lakas ng ulan, pero nagsisimula na ang taglamig dito sa isla.

Sa kalagitnaan ng September ay nagsisimula na ang pagpasok sa school at high school ang mga kabataan at ngayong araw na ito ay September 15, 2008: first day ko sa 2nd year high school, ang simula ng lahat.

It’s 10 am in the morning at mainit pa ang panahon ngayon, hindi pa kasi gaano umuulan (kakaiba nga this year) at nakatayo lang ako sa labas ng building ng high school.

Kakarating ko lang galing bahay. “Simula nanaman” sabi ko.

Ng nakalipas ang ilang minuto, naglakad na ako papuntang entrance ng high school at malayo pa lang ay kitang kita ko na maraming tao.

Nervous ako.

Itong araw na ito kahit presentation pa lang ng mga students at ngayon iaassign sa bawat isa ang kanya kanyang class.

Lahat ng students ay nakatayo sa labas ng building at isa isa binabanggit ang kanilang mga pangalan para dumeretso sa isang specific na classroom.

Namumukhaan ko na ang mga dati kong classmates at ang mga kabarkada ko sa school.

“Aaron Magtibay” sabi ng director.

“Oops, ako na to, tinawag na ang pangalan ko” isip ko.

“A la clase 2ºC” (“to classroom 2nd C”).

Nagsimula ako maglakad at, habang papasok ako ng building, ramdam ko ang mga tao na nagtitinginan sa akin, mga tao na kilala ko na at mga tao na hindi ko pa kilala.

Pagdating ko sa classroom ay natuwa agad ako, kasi sa 21 students na nasa loob ay halos 16 ang kilala ko: Alberto, Lenny, Irati, Tania, Leticia, María, Jasha, Sara…

Lahat sila kilala ko na from last year sa high school at yung iba ay from other years before. Pero yung iba na hindi ko kilala ay mga repeaters pala, kaya normal lang na hindi ko kilala.

Then dumating ang parang pinaka head teacher namin (tutor ang tawag dito) at hiniling sa amin na magpakilala kami. “Luca”. “Hajar”. “Adnane”. “Mathilde”. “Tatiana”. “Aaron” sabi ko. “Adrián”. “Jose”. “Pedro”...

Natapos na kami magpakilala sa teacher namin, umupo na kami sa aming mga desks at medyo nagkekwentuhan kami ng mga classmates ko habang naghihintay kami ng instructions ng teacher.

Then biglang nagbukas ang pinto ng classroom at may pumasok. Kasing tankad ko lang sya, blonde hair, cute, maganda…

Natulala agad ako sa kanya, ngayon lang kasi ako nakakita ng ganung girl…

Tumahimik ang paligid ko, lahat ay nagtinginan din sa kanya…

“Como te llamas?” (“What’s your name?”) tinanong ng teacher sa bagong dating.

Tumingin ang girl sa akin at ngumiti.

“Marina Montes”.

My true Love Stories - The Pillars of my Life (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon