Chapter 6 - Goalkeepers Love Her

109 3 0
  • Dedicated kay Doctor Martínez
                                    

Chapter 6 – Goalkeepers Love Her

· · ·

Na alaala ko tuloy ang sinabi ko kanina sa mga team mates ko:

“... Walang magagawa ang iyak. Kasi yun na yun.”

Habang pinipigilan ko ang luha ko, mas lumalakas naman ang ulan...

Basang basa na ang damit ko pati buhok ko.

Suddenly, may dahandahang humila sa akin papasok ng hospital para hindi ako mabasa.

Shocked pa rin ako sa news na natanggap galing kay dok at hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako at nakabalot na sa isang puting towel.

· · ·

Maliwanag sa luob ng hospital, hindi katulad sa labas, na halos gabi na at patuloy pa rin ang ulan.

Malalim pa rin ang iniisip ko.

Then may nag-offer sa akin ng tasa ng cape o hot chocolate (hindi ko tanda). Basta, mainit at mabango ito.

Si dok pala ang nag-ooffer nito sa akin.

Napansin ko tuloy na bata pa pala si dok, mga 32 or 35 years old pa lang sya.

Umupo sa tabi ko si dok.

Humigop sya sa dala nyang tasa na sigurado ako na cape ang laman nung sa kanya.

Tapos, nagsimula sya magsalita.

“Recuerdo que a tu edad no me gustaba que el doctor dijese que no sabía la enfermedad que padecía un paciente. Por eso me hice doctor. Para que nadie pase por ese momento en el que ni el doctor sabe lo que te está pasando. Pero soy doctor y, en el caso de Marina, no puedo mentirte sobre su condición.”

(“I remember that when I was young I always hated to hear from the doctor that he doesn’t know what’s going on with his patient. That’s why I became a doctor. Because I didn’t want anyone feel that bad moment when even the doctor doesn’t know what’s happening to you. But I’m a doctor and I can’t lie to you about Marina’s condition.”)

Hindi ako sumagot.

Tama naman sya.

Hindi nya kasalanan.

Pero masakit pa rin.

· · ·

Then, binago na lang ni dok ang usapan, para wag ko ng isipin pa si Marina.

[Simula ngayon, ang mga dialogs ay tagalog na lang, para hindi na ako mahirapan magtranslate hahaha]

Dok: “Naglalaro ka ba ng sports?”

Ako: “Opo, bakit po?”

Dok: “Parang nakita na kita. Player ka ng football diba?”

Ako: “Opo, goalkeeper po ako.”

Dok: “Ah so ikaw siguro si Adrián, yung goalkeeper ng S.E. Sant Carles na boyfriend ni Marina, diba?

[BANG!]

Ako: “Ah, hindi po Adrián ang pangalan ko. Si Aaron po ako, bagong goalkeeper ng S.E. Insular.”

Dok: “Oops, sorry... By the way, kung ikaw ang bagong goalkeeper ng S.E. Insular, ikaw siguro ang 2nd best goalkeeper last year. Tama ba ako?”

Ako: “Opo dok, ako po.”

Dok: “Very good! So ikaw pala ang idol ng mga anak ko!”

Ako: “Po?”

My true Love Stories - The Pillars of my Life (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon