Chapter 1 - First Sight

122 4 2
                                    

Chapter 1 - First Sight

Pinaupo sya ng teacher namin doon sa bakanteng lugar sa harap ko.

Habang sya ay nalapit, bumibilis ang tibok ng puso ko.

Sobrang nervous ako, sobrang shy ako.

"Bien clase, empezad a copiar vuestro horario en una hoja de papel" ("Okay class, start copying your schedule in a piece of paper")  sabi ng teacher

So nilabas ko ang mga ball pen ko at papel at nagsimula akong magsulat ng new schedule namin.

Biglang lumingon at humarap sa akin si Marina, nakangiti sya sa akin (nabigla ako sa kanya at parang ako'y pinapawisan noong panahon na yon).

"¿Me puedes dejar un bolígrafo?" ("Can I borrow you a pen?") sabi nya sa akin.

Hindi agad ako nakasagot or nakaibo kasi parang na paralise ako. Then noong nakapagreact na ako sa situation, binigay ko sa kanya ang blue ball pen ko.

"Gracias" ("Thank you") sabi nya.

Napangiti lang ako sa kanya, hindi na ako nakasagot ng "De nada" ("You're welcome").

Habang tinatapos ko ang pag kopya ng  schedule namin, kinukulbit ako ng katabi ko na si Sara (best friend ko sa high school) at kinukulit ako kasi kinikilig daw ako kay Marina.

Tawanan kami ni Sara.

Napagalitan kami ng teacher pero okay lang, kasi alam nya na first day pa lang at marami pa kaming pakekwentohan ng mga students kasi galing lang sa summer vacation.

Ng matapos kong kopyahin ang schedule, sabi ng teacher na "Cuando hayáis acabado, ya podréis iros a casa, por hoy hemos acabado" ("When you have finished, you will be able to go home, we have finished for today").

Then natapos na din si Marina at lumingon sya sa akin.

Kinuha yung aking papel kung na saan ang schedule na kinopya ko at may sinulat.

Then binalik sa akin ang blue ball pen ko at yung papel ko.

Ngumiti sya sa akin at tumayo na sya at lumabas na ng classroom.

Ng matapos na si Sara, tumayo na kami at lumabas na kami ng classroom.

Habang palabas kami ng building sabi sa akin ni Sara "Oye, ¡¿Que te ha puesto Marina en el papel ehh?! Que he visto que te ha escrito algo" ("Hey, What did Marina wrote on your piece of paper? I saw that she wrote something").

"¡Ay, si! ¡Es verdad, se me ha olvidado mirarlo!" ("Oh, you're right! I forgot to read it!") sagot ko kay Sara.

Nilabas ko ang papel at binasa ko ang nakasulat.

Gracias por dejarme tu bolígrafo, eres un cielo! =) " ("Thanks for lending me your pen, you are so sweet! =) ").

* * *

Dumating ang daddy ko at sumakay na ako sa kotse namin.

Ng na sa daan na kami pauwi sa bahay namin, tinanong ni daddy "Musta ang first day mo? Mukhang masaya ka!".

Sagot ko naman "Ay, wala lang papa, normal na araw lang..." (Hindi ako nagamit ng "po" at opo" sa mga parents ko, hindi ko nakasanayan, pero sa ibang tao ay ginagamit ko).

Hanggang kami ay dumating sa bahay, hindi na kami nag usap ng daddy ko kasi alam ko na alam nya na may nangyari na masaya sa akin...

Kasi, buong biyahe pauwi, nakangiti ako at hawak hawak ko ang note...

* * *

My true Love Stories - The Pillars of my Life (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon