007

812 61 22
                                    

07:32 pm

Makee: Uy hello

Makee: Ayos lang yon ahahaha

Makee: Ikaw yung nakasapul ng pinto sa mukha ko diba?

Thea: Yeah...

Thea: Are you mad at me ??

Thea: Sorry talaga ah? Nabuhos ko lang inis ko pagbukas ko ng pinto kasi nabad trip talaga ako nung nagkapower outage sa cafe.

Makee: Uy okay langgg haha di ako galit

Makee: Nicoconfirm ko lang naman hahaha

Thea: Well, that's a relief hehe

Makee: Good evening pala

Thea: Good evening ba talaga...

Makee: Good na good!

Makee: Diba kapatid ka ni Vaughn? Kaya pala familiar ka samin ni kuya Sam nun

Thea: Ah oo haha

Makee: Sinisuguro ko lang naman haha

Makee: Welcome to Korea! Musta naman ang trip mo sa Germany?

Thea: Umm who told you that?

Makee: Ay, nabanggit lang sakin ni kuya mo

Thea: Ah okay. Ang daldal niya talaga 🙂

Makee: Wait..

Makee: Hindi ko ba pwede malaman yon?

Makee: I mean are you uncomfortable na alam ko?

Thea: Wala naman na akong magagawa, alam mo na eh

Makee: Halaaa, galit ka?

Makee: Sorry! Di ko naman ipagkakalat yun promise. Di ako chismoso sa iba! Sa mga kaclose ko lang pero konti lang! Sina Spencer at kuya Sam lang!

Thea: Noo I'm not mad! Promise rin :)

Thea replied to you
I mean are you uncomfortable na alam ko?
But to answer this question, nung una medyo hehe 😅

Thea: Vaughn and I, we're very private people kasi... especially when it comes to our dad. The fact na nagbabanggit siya ng mga maliliit na infos tungkol sa akin at tungkol sa family namin ay ibig sabihin pinagkakatiwalaan niya kayo nang sobra, so it's okay na sa akin na alam mo na yun

Makee: Oo pansin ko rin yun. Hindi rin naman nagkekwento talaga sa amin si Vaughn ng tungkol sa family niyo pero okay lang, di naman niya obligasyon yun. Ang importante magkakaibigan kami!

Thea: Yeah... thank you for being his friend! Kahit hindi siya palakwento about our lives (which is I think common sa friendships!) I am glad that he found you guys, na hindi siya pinipilit magkwento...

Makee: Uy walang problema, maliit na bagay haha

Makee: Mabait yun si Vaughn saka lagi pa nanlilibre 😂

Makee replied to you
Vaughn and I, we're very private people kasi... especially when it comes to our dad...
May hunch ako kung bakit. Minsan di ko rin naman maiwasan magtaka kung bakit super private niya sa amin. Ni family pictures niyo kasi wala sa bahay niyo

Thea: Really? What's your hunch??

Makee: That your dad is a special person? Like a public figure or something. Hunch lang 😅

Thea: Well,,, you're correct

Thea: Pero secret pa rin walang clue

Makee: Ahahaha okay lang yon, may naver naman pwede ko isearch no

Thea: Our dad uses a screen name, saka walang trace ng real name niya sa internet 😬

Makee: Ahhhh okay

Thea: Uhh actually sinamahan ko dad namin sa Germany for his work :)

Makee: Ohhh. Ilang buwan naman?

Thea: 3 months

Makee: Ang tagal din nun ahh

Makee: So marunong kang mag-German?

Thea: Just the basics. Pag naman gusto kong pumasyal, pinapasamahan niya ako sa assistant niya na ayon, marunong mag-German

Makee: Ahhh. Sige nga, sample ng basics!

Thea: Hm okayy

Thea: Du bist attraktiv.

Makee: Wow. E ano namang ibig sabihin niyan?

Thea is typing...

Makee: Mahaba siguro meaning niyan ah

Thea is typing...

Thea: Ang ibig sabihin niyan ay... mukha kang pating hehe

Thea Stilinski
active 2 minutes ago.

Makee: Ay nag log out nanaman

Makee: Naputulan ka ulit wifi? Haha

Trap QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon