Kathryn's POV
"WHAT THE" napatayo ako
Napatingin lahat ng classmates ko pati yung bagong studyante "Sorry"
"May problema ba Ms.Bernardo?" Tinignan ko si Ms.
"Meron po" sabi ko
"Anong problema Ms.Bernardo?"
"I mean wala pala Ms." Ngumiti nalang ako, at umupo.
"Sus papansin lang yan"
"Sabihin mo crush mo sila"
Sigaw ng mga classmates ko, hindi ko nalang sila pinansin.
"Ok introduce yourself"
"Hi ! I'm Daniel Padilla 17 years old, Nagtransfer ako dito dahil may sinundan akong babae" ngumiti lang siya , sabay tingin saakin. Umiwas agad ako ng tingin
"Awww swerte naman yung girl"
"Oo nga sana ako nalang ying girl"
"Ako ba yung ainundan mo?"
Sabi na mga classmatrs ko
"Oo maswerte talaga siya" tumingin siya saakin pero iniwas rin niya agad
"Ok next"
"Hi ! I'm Diego Loyzaga 17 years old , mabait , hindi manloloko promise, loyal pa !" Pagpapakilala niya
"Pwede akin ka nalang?"
"Single ako"
"Naghahanap ka ba"
Tanong ng mga classmates ko , ang lalande putik !
"Ok Mr.Padilla you may sit beside Ms.Bernardo and Mr.Loyzaga dun ka sa tabi ni Ms.Montes" Sabi ni Ms.Garcia
"Kainis bakit dito pa" bulong ko sa sarili ko
"Hi !" Sabi nitong katabi ko. Hindi ko siya pinansin "hindi mo ba talaga ako papansinin?" Tanong niya
"Wow! Akala mo walang nangyari saatin hah" tumingin ako ng masama sakanya
Hindi na siya nagsalita, at nakinig na din ako !
Rrrriiinnngggg!
Finally natapos din! Hayyss kanina ko pa gusto lumabas , paano nakakailang putik di ako masiyado makagalaw sa upuan ko !
"Nakakainis, bakit dun pa kasi siya" sabi ko kay Julia
"Hi" sigaw ng tatlong kaibigan namin ni Julia hindi kami magkakaklase 2nd section sila 1st section kami ni Juls.
"Oh bakit nakabusangot yan?" Sabay nguso saakin ni Miles
"Oo nga parang siyang namatayan" sabi naman ni Kiray
"Para siyang nawalan ng piso" sabay tawa ni Sofia
"Paano katabi niya ng upuan si Daniel Padilla" Sagot ni Juls sa tatlo
"Ano?" Sabay sabay nilang sagot
"Oo, sabi niya may sinundan daw siyang babae"
"Wag ka mag assume na ikaw yun Kath" sabi ni Miles
"May sinabi ba akong ako?"
"Baka ikaw nga" sabi ni Kiray
"Tumahimik nga kayo, wala na akong pakealam sakanya!" Sigaw ko sa kanila "tara na , at kumain na tayo"
Nasa pilahan kami ng "Ms.Bernardo pakiabutan ako ng tinidor" tumingin ako sa nagsalita
"Hindi ka ba talaga titigil?" Tanong ko sakanya
"Nagpapa abot lang naman ng tinidor" sumbat niya
"Juls abutan mo nga siya" utos ko sakanya
"Bakit ako? Ako ba si Ms.Bernardo?" Tinignan ko siya ng masama
"Oo na eto na!" Kumuha siya ng tinidor at iniabot kay Daniel "ikaw kasi!" Sabi niya pa
"Thank you"
"Infairness mas gumwapo siya" sabi nung tatlo, hindi ko nalang sila pinansin
Kumuha ako ng pagkain at naglakad papunta sa table namin "What the, are you f*cking serious? Nananadya ka ba talaga?" Sigaw ko sakanya
"Sorry , hindi ko sinasadya hindi kita nakita" sabi niya
Paano ba naman nabunggo niya ako "ganyan ka naman diba? Kahit sinadya mo sasabihin mo paring hindi mo sinasadya ! Kasi diyan ka magaling, sa SORRY mo!" Tumakbo na ako palabas ng cafeteria , aahh bwisit !
"Hey, I'm sorry" Daniel
Tumalikod ako para tignan siya "Ano ba problema mo?"
"Wala gusto lang kitang maka usap"
"Makausap? Diba ikaw na mismo ang tumapos?" Gusto kong umiyak sa harapan niya , pero ayoko !
Tinitigan niya lang ako "Ano wala kang masabi diba?" Iniwan ko na siya dun at pumasok sa classroom.
Baka kung ano pang masabi ko na ikasakit niya !
------------------------------
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa Kitang Mahalin (Kathniel)
Teen FictionLalaking prinotektahan lang ang babaeng mahal niya ! pero sana hindi pa huli ang lahat !