Kathryn's POV
RRRIIINNNGGG !!!
"5 mins."inabot ko yung alarm clock ko at pinatay
RRRIIIINNNGGG !!!!!
"Aaahh ano ba , mga storbo" inabot ko amg cellphone ko
"Hello? Oh Julia bakit?"
"Ano kagigising mo lang girl? Huy late ka na girl 7:30 na"
Napabangon ako bigla "Ano? Omg, kala 6:30 palang"
"Maligo ka na, sabay na tayo pumasok"
"No need girl, mauna ka na sunod nalang ako, makakahabol ako promise" sabi ko sakanya
"Oh, sige. Text mo ako pagnandoon ka na sa school bes. " sabi niya
"Ok bes, bye" pinatay ko na, at pumasok agad sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo bumaba agad ako "Manang, una na ako dun na ako sa school kumain" sabi ko kay yaya
"Sige anak ingat" sabi niya bago ako lumabas ng bahay, sumakay na ako sa kotse ko at mabilis na nagpatakbo
Pagkadating ko sa harap ng school may nakaparada na sasakyan.
BEEEPPPP! BEEEPPPP !
Binusinaan ko siya "Ano ba, pakibilis naman oh ! Late na ako" sigaw ko
"Wait lang miss, maghintay ka" sigaw ng isang lalake, familiar yung boses na yun !
"Ano ba kasing ginagawa mo at hindi ka pa pumapasok" sigaw ko ulit
"Wala kang pake miss" sabi niya, tapos agad niya pinatakbo ang kotse niya papasok
"Bwisit, malaman ko lang kung sino ka humanda ka" bulong ko sa sarili ko
Pagkapark ko ng kotse ko bumaba agad ako, tapos nakita ko din na bumaba sa kotse yung lalake kanina "Putik, si Daniel" bulong ko
"Nananadya ka ba talaga?" Sigaw ko sakanya
Lumingon siya "Oh, Kathryn ikaw pala yung babae kanina, Sorry." Lumapit siya saakin
"Sorry? Eh sinadya mo yun diba? Pati yung pagbunggo mo saakin kahapon" sigaw ko sakanya
Tinitigan niya lang ako, na para siya nabigla sa sinabi ko "Nagtataka ka ba kung kanino ko nalaman, wala ka na dun" sabi ko sakanya at naglakad na ako papunta sa classroom
"Teka ! sorry na, hindi ko kasi alam kung paano mo ako papansinin kaya ko nagawa yun" Tumalikod ako para tignan siya
"Alam mo, nakakasawa na yang sorry mo, puro ka kasi sorry."
"Eh ano gusto mong sabihin ko?" Tanong niya
"Alam mo ang sorry ginagamit pag hindi mo sinasadya" sabi ko sakanya
"Oo na, aaminin ko lahat ng ginawa ko sinadya ko, pati yung pananakit sayo sinadya ko" pag amin niya
"Alam mo ang sama sama mo, makasarili ka kase sarili mo lang ang iniisip mo" sabi ko sakanya at tumakbo na ako imbes na sa classroom ako dumeretso sa CR ako nagpunta
"Aaahhh diba nakamove on ka na? Eh bakit umiiyak ka ngayon, bakit mo siya iniiyakan" sabi ko sa sarili ko
Lumabas na ako sa CR at pumasok sa classroom
"Oh bes bakit ngayon ka lang, kanina ka pa nagtext saakin na nandito kana, saan ka galing" tanong ni Julia
"Hah? Wala , nagpunta ako sa CR" sabi ko
"Teka ! Umiyak ka ba?" Julia
"Hah? Hindi, wala namang dahilan para umiyak ako" pagsisinungaling ko
"Aahh ok , sabi mo eh" tumahimik na siya at nakinig
Hindi ko kinikibo ang katabi, wala naman kasing dahilan para kausapin ko siya, galit ako sakanya.
RRRIIINNNNGGGG !!!!
Inayos ko agad ang bag ko at lumabas na kasama si Julia "Cafeteria na lang tayo" sabi ko
"Aahh oo" tipid niyang sagot
"Nandon naba yung tatlo?" Tanong ko
"Aa oo bes, nagtext saakin si Sofia" sabi niya
Pagpasok namin sa cafeteria nakita agad namin yung tatlo
"Nakaorder na kayo?" Tanong ni Julia
"Half day lang daw tayo ngayon, sa labas nalang tayo kumain" sagot ni Kiray
"Wala akong kotseng dala bes, ayoko magcommute" sagot ni Sofia
"Napaka arte mo, eh pano kung wala tayong choice?" Sagot ni Miles
"May dalang kotse si Kath, diba kath?" sabi ni Julia
"Kath?" Sigaw ni Kiray
"Hah? Oo" tipid kong sagot kahit hindi ko alam ang sinasabi nila
"Bakit ka ba tulala bes?" Tanong ni Julia
"Hah? Wala tara na gutom na ako" sabi ko
"Teka sabi namin sa labas tayo kakain, hindi dito" sabi ni Miles
"Hah? Kala ko ba dito" sabi ko
"Oh ayan halatang may problema ka bes, hindi ka nakikinig kanina" sabi ni Sofia
"Oh, sorry, sige tara na yung kotse ko gagamitin natin" naglakad na ako palabas
"Bes ok kalang?" Tanong ni Julia
Hindi na ako sumagot sakanya, naglakad nalang ako at dumeretso sa kotse ko
------------------------------------
BINABASA MO ANG
Sana Pwede Pa Kitang Mahalin (Kathniel)
Ficção AdolescenteLalaking prinotektahan lang ang babaeng mahal niya ! pero sana hindi pa huli ang lahat !