7* Battle For Levels 2

13 2 5
                                    

Chapter 7: Battle for levels 2

Shania's P.O.V.

"Paano mo yun nagawa?" bungad na tanong sa akin ni Ej

"Nagawa ko kasi nagawa ko?" - patanong ko ding sagot sa kanya

"Paano ka lumakas? At nakaya mo pang magsummon ng Exile" -Harvey

"Oo nga, parang kailan lang water balls and water blades lang ang kaya mo" -Angelique

"Ano ba naman kayo guys! Nagawa ko yun dahil nag ensayo ako"

"Ikaw lang ba?" -Zeus
Napatingin naman ako sa kanya. Ang emotionless talaga ng isang to.

"Oo, tsaka wala ba kayong tiwala sa akin?"

"meron naman, nagtatanong lang" -Angel

"sigurado ka bang walang tumulong sayo sa pag eensayo mo?" -Harvey

"Ang kulit niyo naman, sabi ng wala eh!"

"Easy, easy nagtatanong lang naman" -Harvey

"palagi lang naman kayong 'nagtatanong lang naman' " ginaya ko pa silang magsalita.
"parang pinapalabas niyo na hindi ko kayang mag ensayo sa sariling sikap" napa pout naman ako.

"haytsss oo na nga" -Harvey

Tsk, bahala na nga sila magduda jan. Ano ako tanga, na sasabihin sa kanila ang about kay Yeshana? Patay ako non panigurado.
Sinabihan na niya ako na walang dapat makakaalam sa kanya at kung bakit siya nakatira sa forbidden forest. Hindi ko man alam kung bakit niya iyun sinabi pero sinunod ko pa rin. Kaibigan ko siya kaya't nererespito ko ang privacy niya. Hihintayin ko nalang na kusa siyang mag-open sa akin tungkol sa kanya. She's so mysterious tho.

Natapos na ang apprentice at ang trainees na ang maglalaban-laban.

"Mr. Harvey Andrew Montello vs. Mr. Sendrick David" -mc

"Uy, tawag ka na harv" -Angel

"Bababa na ko" -Harvey

Nag good luck naman kami sa kanya.

Unang gumawa ng hakbang  ang kalaban niya. Air ang kapangyarihan nito. Nagpalabas ito ng matutulis na koko gawa sa hangin.

"Fire sword" bago siya dambahin ng halimaw ay nakaiwas na ito. Mas tumulis ang koko nito.
Espada laban sa matataas na koko ang nangyari.

Ang bibilis nilang kumilos at halos hindi ko masundan ang bawat galaw nila. The next thing I knew nakahandusay na ang kalaban niya sa sahig. He won.

Angelique's P.O.V.

Lumipas na ang laban naming anim: Naya, Harvey, Nathan , Shyleen, Ej at ako. Ang hinihintay nalang namin ay ang laban ni Zeus. Hindi naman ganon kahirap ang naging laban ko. Ang naging katapat ko ay isa ring air user. Lahat ng myembro sa aming barkada ay nanalo. Ano pa ba ang aasahan mo sa aming pito? Kahit naman trainees lang, alam ng lahat na magagaling talaga kami. Ayaw lang namin ewan si Shania sa ere kaya nanatili kaming trainees for 2 years. Pero ngayon iba na. We won't stay still anymore. Its time to upgrade.

Last Living GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon