3* Trust

21 3 0
                                    

Chapter 3: Trust

Shania P.O.V

Good morning. Umaga na din ba dyan sa inyo? Kung hindi edi good afternoon/evening .

Ang ganda ng gising ko. One month na kaming magkaibigan ni Yeshana.
Kahit mukhang para sa kanya wala lang itong friendship namin. Para sa akin mahalaga ito. I treasure everyone that are close to me.

Lumabas na ako ng dorm para bumili ng pwede kong iregalo sa kanya.
Buti nalang walang pasok ngayun dahil weekend. Makakalabas ako ng akademya.

Habang naglalakad nakita ko ang anim na papunta sa harapan ko.

"good morning naya"- bati ni Angel sa akin at nag beso-beso.
Binati ko naman siya pabalik.

"morning din angel, oh' saan kayo pupunta ?" tanong ko sa kanila.

"Sa bayan , next weekend nalang din kami uuwi sa aming mga tirahan para naman may makasama ka dito"- Sagot naman ni Harvey

Wala kasi ang parents ko. Nasa mundo ng mga tao may inaasikaso daw sila dun. Kaya ang ending I'm going to spend my weekend here at the academy.

"Ano ba kayo, okay lang ako. At saka every weekend ang family time diba? Sigurado ako na gusto na kayong makita ng mga parents niyo."

"Ano ka ba Naya, last weekend lang kami nagkita tapos mamimiss na agad nila kami? Tsk.. Baka nga pabalikin kami ng mga nun dito sa academy " -Harvey

"gago ka talaga harvey" sabi ko dito

"Okay, kayo na mismo nagdesisyon nyan. Alam ko namang matitigas ang mga ulo niyo, kaya tala na't mag enjoy" sabi ko sa kanila.

**bayan**

"saan niyo gustong pumunta?" -Nath (read as NEYT)

" sa La Monde Patisserie" sabay naming sigaw ni Angelique.

"okay tara nah" - sabi ni Shy

**La Monde Patisserie**

"dun tayo sa table 5" - sabi ni Shy
Basta pagkain ang sigla niya bigla.

Ang apat na lalaki ang nag-order para sa aming pagkain. How thoughtful of them.

Chocolate ang pinakagusto kong flavor o klase ng mga pancakes . Habang kumakain hindi kami nag iimikan. Kanya kanyang lamon kami ngayon.

Pagkatapos namin kumain dito sa La Monde Patisserie ay gumala na kami. As usual kulitan dun kulitan dito hanggang sa dapit hapon na.
Napagdesisyonan na namin na bumalik sa akademya.


**forbidden forest**
Pagkabalik namin kanina ay agad akong nagpaalam at pumunta kaagad dito.

Nakabili ako kanina ng keychain hugis araw at may nakaukit na 'lightness'. Kasi nagsilbi siyang liwanag nung panahong susuko na sana ako dahil sa takot.

"Yeshana! Yeshana!" sigaw ko sa kanyang pangalan. Sa araw-araw na pagpunta ko dito naging kabisado ko na din ang daan papuntang kalagitnaan ng gubat.

"bakit Naya?" bungad na tanong nito sa akin. Naka cloak pa rin ito na kulay asul. Hindi ko pa siya nakitang hinubad ang kanyang cloak o kaya naman ay tanggalin man lang ang hoodie nito.

"Nandito ako para batiin ka ng Happy 1st friendship monthsary Yeshana " masigla kong bati sa kanya at niyakap siya.

Pagkabitaw ko sa kanya ay nakita ko na nagulat pa ito. Ngunit pinalitan kaagad ang kanyang ekspresyon sa pagiging emotionless. Yeaheeeyyy.. At least nakita ko panandalian lamang ang pagbabago ng expression ng kanyang mukha.

"ahh ganun ba"

"Oo, may ibibigay pala ako sayo" at inabot ko sa kanya ang keychain na binili ko sa bayan kanina.

"Ano to?"

"Keychain malamang. Itago mo yan hah? Kasi regalo ko yan sayo" nakangiti kong sabi sakanya habang nakatingin din sa keychain na ngayun ay hawak hawak na niya.

"'lightness'?" basa niya sa nakaukit dito na patanong. As if on cue naguguluhan siya. Hehe

"kasi binigyan mo ako ng liwanag nung panahon na susuko na ako. Iniligtas mo ako sa mga lobo. Kaya salamat talaga I owe you my life"
Paliwanag ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. NGA NGA na naman ako. Ang ganda niya promise. Perfect set of white teeth. First time niya akong nginitian. O to the M to the G!!

"thank you Shania Aria Azul, for choosing me to be your friend" sabi niya sa akin ng nakangiti pa rin.

"You're welcome beshie Yeshana" at niyakap ko na naman siya eh sa ang sarap niyang yakapin eh!

"Sige, bukas nalang siguro ang gift ko para sa'yo. Umuwi kana maggagabi na oh" kumalas na kami sa pagyayakapan

"Ay, oo nga no. Sige uwi na ako best friend. Goodnight in advance"
At saka tumakbo na ako palabas ng forbidden forest.

Pero bago pa man ako makalayo ng tuloyan sa kanya may narinig akong kataga na nagpangiti sa akin. Galing sa best friend kong mesteryosa.

"happy first monthsary of our friendship Shania Aria Azul... beshie"

Yeshana's P.O.V

Habang pinagmamasdan ko siya mula sa malayo napangiti na naman ako.
Siya ang kauna-unahang naging kaibigan ko.
At gusto ko siyang isurpresa bukas.
Her expression when she's instate of shock is priceless. What a sweet little innocent girl.

So I decided to show her my Dolce Casa.
I know she will tell no one about it because as what I have observed she knows when to keep a secret. She's now my best friend and crazy to tell but I already trust her. Even though nakilala ko siya in just a short span of time.

Shania Aria Azul is now officially my best friend.

-----------------------------------

Last Living GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon