Elle Riley POV
"Elle,ikaw ang aatend sa party natin mamayang gabi dahil hindi makakapunta ang ate mo dahil may lakad siya" seryosong sabi ni dad na hindi tumitingin sakin dahil sa mga papeles siya nakatingin
"Hindi ako pwede may pupuntahan ako mamaya" cold at walang emosyon kung sabi
"Anong hindi!,kailangan mong pumunta kung hindi mapapahiya tayo" galit na sabi ni dad habang nanlilisik ang kanyang mata na nakatingin sakin
"May pupuntahan kami mamaya ng barkada ko" malamig kung sabi sabay tayo sa inuupuan ko
"Bat ba ang tigas ng ulo mo ha!?,mabuti pa ang ate mo sumusunod sa kung ano ang sinasabi namin ng mommy mo" pagkokompara ni dad sakin at ni ate
"Alam niyo dad sawang sawa nako sa pamilyang ito,palagi na lang si ate-ate sabagay si ate naman talaga ang mas mahal niyo samin diba kaya hindi nako magtataka,pero dad sana maging fair naman kayo ni mommy,dahil ang pamilya ay nangangahulugang walang naiiwan at walang nakakalimutan.Salamat po pala sa pag-aalaga niyo sakin ni mommy,pasensya na po kayo kung gumagawa ako ng hindi niyo nagugustuhan hindi naman po kasi ako si Ella Rile Park ang magaling sa lahat ng bagay,ako po si Elle Riley Park ang nagpapasakit ng ulo niyo ni mommy,salamat ho sa lahat" malamig kung sabi sabay labas sa office ni dad
Paglabas ko sa office ni dad ay agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at nagimpake para maka alis nako sa impyernong pamamahay nato,simula sa araw na ito wala na akong tatawagin na mommy,daddy,at ate,ang itatawag ko sa kanila maam at sir na lang total hindi naman ako kasali sa pamilyang ito.
Habang palabas ako sa kwarto ko ay nakatagpo ko si mommy na umiiyak at nakatingin sa akin kaya binigyan ko lang siya ng malamig na tingin na hindi nagpapakita ng kahit isang emosyon at agad akong nagsalita.
"Pasensya na po Maam nadisturbo ko kayo,alis na po ako" malamig kong sabi sabay lampas kay Maam Eloisa na mukhang nabigla sa sinabi ko.Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad
Pagkadating ko sa sala ay nakita ko si Sir Tristan na nakayakap kay Young Lady Ella kaya agad akong humingi ng dispensa sa pagsira ko ng kanilang pagmomoment
"Pasensya na po kung nadisturbo ko kayo Sir Tristan At Young Lady Ella,alis na po ako" sabi ko habang hindi tumitingin sa kanila dahil kahit na malamig ang trato ko sa lahat ng tao ay nasasaktan padin ako kung pamilya ang paguusapan malakas man ako sa labas pero sa kaloob looban ko sobrang napakahina at wasak na wasak ako.
Agad kung hinila ang mga maleta ko pero hindi pako nakakalayo ay may yumakap sa likod ko
"No my baby" iyak ni maam Eloisa
Agad kung tinanggal ang pagkakayakap niya sakin at agad din akong humingi ng dispensa dahil dinumihan ko ang damit ni Maam Eloisa dahil pagyakap nito sakin
"Nako Maam,pasensya na po kung nadumihan ko ang damit niyo bat niyo po kasi ako niyakap ayan tuloy,di bale po kapag nakahanap nako ng trabaho ay bibilhan ko po kayo ng bagong damit na kagaya niyan,pasensya na po talaga alis na po ako" malamig kung sabi sabay talikod at lakad palabas sa gate.
"Elle,bumalik ka dito" narinig kung sigaw ni sir tristan sabay yakap kay maam eloisa na hanggang ngayon ay umiiyak pa din.Pagtingin ko kay ate ay umiiyak din siya,bakit siya umiiyak?diba gusto naman niya akong mawala sa masaya niyang pamilya kaya eto na wala na ako pero bakit siya umiiyak dahil ba sa tuwa o lungkot dahil wala nako sa kanila pero asa ka naman ELLE.HAHAHA
Pagkadating ko sa gate ay nakita ko ang Butler ko na simula bata pa ay siya na ang nagbabantay sakin
"Nako!maam pasensya na po hindi ko po naihanda ang sasakyan niyo"pagpapaumanhin ni Butler Kenzaki
"Nako ok lang po magtataxi na lang po ako wag na kayong mag abala atsaka nga pala Butler Kenzaki simula ngayon si Maam Ella Rile na ang babantayan mo,alis nako" malamig kung sabi
Sabay talikod."Pero maam--" pagtututol ni Butler Kenzaki pero hindi ko na siya pinatapos dahil nagsalita na ako ulit
"Wala ng pero-pero Kenzaki,sundin mo nalang ang pinaguutos ko sayo" malamig kung sabi sabay sakay sa taxi na pinara ko
"San po tayo maam?" Tanong ni manong driver
"Sa Villa Vermundo po manong" malamig kung sabi kay Manong
Maya maya lang ay nakarating na ako sa Villa Vermundo agad akong nagdoor bell sa Villa naming anim.
*DING DONG*DING DONG*
*crekkkkk*(sound ng pagbukas ng pinto haha,pasensya na sa sound)
"Elle,anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong ni Ezra
"Magpapaliwanag ako bukas wag muna ngayon"malamig kung sagot kay Ezra sabay lampas sa kanya at pasok sa kwarto ko.
Pagkadating ko sa kwarto ko ay dun agad na bumuhos ang mga luha kung kanina pa pinipigilan sa bahay hanggang sa humagulgol na ako.Di porket malamig ang turing ko sa mga tao ay wala na akong puso,meron ako nun malakas lang ako sa labas pero sa loob mahina ako.
"Bakit ganun,?meron naman akong nagawang hindi masama ahh,napaka unfair talaga ng mundo hahah sinisi ko pa ang mundo" sabi ni Elle na nakahawak sa Baboy niyang stuff toy
"Baliw na talaga ako noh,nagsasalita ako sa stuff toy,hahaha" natatawang sabi ni Elle
"Siguro nga wala talagang paki si dad at mommy sakin,di bale itutulog ko nalang ito" sabi ni Elle sabay higa sa kama niya
"Hayy you may rest in your bed now Elle" pagbuntung hinga ni Elle atsaka natulog na.
BINABASA MO ANG
Cold Gangsters
Teen Fiction"Hindi niyo naman kailangan magpanggap na hindi kayo nasasaktan dahil nandito naman kami sa tabi niyo,kung ano man yang nakaraan niyo tandaan niyo kahit kailan,hinding hindi namin kayo iiwan" -Villkiz "Wala namang permanente sa mundo,may mawawala,ma...