'Jade!' Pahabol na tawag sakin ni Arthur sa hallway ng school.
Di ko sya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. Mamaya pa'y nakaramdam ako ng biglang paghatak sa braso ko.
"Ano ba!?" Bulyaw ko kanya sablay hablot sa braso ko. Ayan na naman ang kuryenteng di ko maintindihan. Alam kong si Arthur yung humatak sakin. Sya lang naman ang bibigay ng gantong pakiramdam sakin everytime na makakdikit ang mga balat namin.
"Ito naman! Kanina pa kaya kita tinatawag. Di mo ba naririnig?" Hingal na sabi nya.
Halatang napagod sya sa pag-habol sakin. Di ko maiwasang mapangiti. Kahit pagod sya at namamawis ang noo ang gwapo nya padin.
"Ba't mo ba kasi ako hinahabol?" Tanong ko. Nag-iwas ako ng tingin baka magkatama pa ang mata namin, mahirap na.
"Pupunta kaba sa party mamaya?" Tanong nya ng maka-ayos sa sarili.
Asus yun lang pala ang dahilan.
Di ko sya sinagot pinagpatuloy nalang sa pag-lalakad. Naramdaman ko namang sumabay sya sakin.
Patungo kami ngayon sa cafeteria. Lunch break na kasi at saktong gutom na gutom na ko kaya di ko na sya na-antay lumabas.
Magkaklakase kami ni Arthur at ang party na tinutukoy nya ay iyong Halloween party na pinagplanohan ng boung klase namin noong nakaraang linggo.
"Hindi." Diretsong kong sagot ng makaupo kami sa isang bakanteng pwesto.
"W-what?" Mukhang nagulat sya sa sinabi ko. Sino ba naman ang hindi? Noong isang araw lang Excited akong nag kwekwento sa kanya ng mga plano ko para mamaya tapos ito ako ngayon wala mang lang kaamor amor pumunta kung kailan last minute na.
At dahil Halloween na daw sa makalawa nagplano plano ang mga klasmate ko kung anung party ang gagawin namin at yun na nga ang party mamaya.
Kung nagtataka kayo kung anung klaseng party yun sasabihin ko sa inyo. Hindi lang yun basta bastang party lang. Isa 'yong hunting party. Kung saan may magkakagrupong maglilibot sa boung campus para manakot ng ibang grupo. Ang huling maka-balik sa base, sila ang panalo
Mamayang gabi na iyon gaganapin para daw mas may thrill. Di ko alam kung sinong may sira sa ulo ang nag-suggest nun pero napaka-exciting yun para sakin.
"Pero nung isang araw lang excited ka ah? Bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin?" natatawang kumento nya.
Yun na nga eh! Excited ako nung araw na yon pero di na ngayon. I-nanaounce kasi sa room kahapon na may ibang section na makikisali samin. Dahilan daw e, mas marami daw mas masaya.
Ok lang naman sakin yun. Actually nakahanda na nga ang mga costume ko kahapon pa ng umaga at lahat ng mga kailangan ko sa pananakot pero tinapon ko yun kinagabihan. Nalaman ko kasi sa isa kong klasmate na star section yung makakasama naming grupo at dahil dun nawalan ako ng gana.
"Ah basta! H-hindi ako a-attend." Final na ang desisyon ko. Oo at naghihinayang ako sa pagkakataon pero bou na ang loob ko at din a yun magbabago.
"Pero di masaya pag wala ka dun" Di ko maiwasang mapatuwa sa sinabi nya yun nga lang- "tsaka alam mo namang kailangan kita dun diba?" nanlulumong sabi nya saka hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
My Guardian Devil
General Fiction"Kaya kong ibigay sayo ang lahat ng gusto mo pati nadin ang lalaking pinakamamahal mo.. pero may kapalit ang mga iyon.." Sabi ng lalaking nasa likod ko. Wala na akong paki-alam sa kapalit na sinasabi nya basta mapasakin lang si Arthur. Di ko ma...