Ara is starting to change

762 27 3
                                    

Mika's POV

Sinadya kong agahan ang gising ko kasi magluluto pa ako para kay Ara, pambawi ko kahapon.

Nagsearch muna ako kung pano magluto ng adobo. Madali lang naman pala, buti nalang meron dito sa dorm ng mga kailangan.

Nagsimula na akong magluto, nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ng bumaba si Ara. Sayang naman di nya naintay matapos tong niluluto ko.

*kring kring kring*

Pumunta sya para kuhanin ang telepono, natagalan siya bago bumalik. Siguro sya yung tinawagan.

Bumalik sya pero dali dali namang umakyat sa kwarto namin. Ano problema nun?

Mga 5 minutes lang bumaba na siya,pero nakaporma na sya.

San punta nito?

"Ara! San ka pupunta? Kain ka muna oh nagluto ako para sayo" nakangiti kong sabi sakanya

Ineexpect kong sasabihin nyang oo pero sabi nya may pupuntahan pa daw siya. Importante siguro.

Importante pa sa effort kong pagluluto sakanya.

Sayang naman tong niluto ko, di bale mamaya siguro naman maaga siyang uuwi pede nya pa kainin to.

Nilagay ko nalang sa lamesa yung niluto ko para sakanya, kainin nalang nya mamaya. Hihintayin ko nalang sya.

Nagpahinga ako kasi nakakapagod din palang magtry magluto.

Pero sa paggising ko, wala pa ding Ara na gigising sakin dahil di niya hinahayaang matulog ako sa ganito.

"Cyd! Si ara?" tanong ko

"Umalis, nakaporma pa nga eh."

Di pa pala sya umuuwi, san ba yun pumunta? Tiningnan ko phone ko wala man lang text na galing sakanya.

Nasan na ba kasi yun?

1:00 pm

2:00 pm

3:00 pm

4:00 pm

Wala pa din sya!! Nasan na ba sya!? Naiinis na ako! Wala man lang text galing sakanya! -.-

"Ate ye! Kumain ka na! Nakabusangot ka na naman" aya sakin ni Tin.

"Ayoko hihintayin ko pa si Ara, sabay kaming kakain!"

5:00 pm

6:00 pm

7:00 pm

7 na wala pa din sya hays

Nag aalala na ako, wala pa din syang text.

Malamig na yung niluluto ko.

"Kianna! Alam mo ba kung nasan si Ara?" tanong ko kay Kianna na kakadating lang.

"Pauwi na yun." sabi nya

Yes naman at pauwi na sya, hays.

Maya maya lang, pumasok na ang isang Ara Galang na kanina ko pang iniintay.

Dire diretso lang sya papuntang kwarto, di nya man lang ako nilapitan.

Kanina ko pa syang hinintay noh!

Bumaba sya na nakangiti, kaya pala maganda ang ngiti kasi nakasama si Bang! Di man lang sya nagtext, habang hinihintay ko sya eh nagpapakasaya naman sya kasama si bang!

Di man lang sya nagsabi! Nakakainis! Parang di nya ako girlfriend!

Sa sobrang inis ko umakyat na ako at padabog na sinarhan ang pinto.

Hindi lang inis ang naramdaman ko, nasaktan din ako. That's Bang, Shiela Marie Pineda ang babaeng di niya magawang kalimutan.

Dumiretso akong table ko dahil aayusin ko din naman ang gamit ko.

Di ko maiwasang maiyak.

Narinig ko namang pumasok si Ara sa kwarto, tinawag nya ako pero di ko sya pinansin.

Tinawag nya ulit ako pero ayoko syang pansinin, nangingibabaw ang inis ko sakanya.

"Mika! Ano ba naman!?" inis nyang sabi sakin

This is the first time na di niya ako natiis.

Di ko pa din sya pinapansin.

"MIKA! NAPAKALIIT NA BAGAY PINAPALAKI MO!" sigaw nya.

Bumalik na ang dating Ara, ang Ara Galang na walang pakialam sakin.

Maghihintay na naman ba ako?

Naluha ako nung sigawan nya ako, sa isang taon naming pagsasama bilang magjowa ngayon nya lang ako sinigawan.

"MALIIT NA BAGAY? SIGE! YUNG UMALIS KA PERO DI MO SINABI KUNG SAN KA PUPUNTA! YUNG NAG INTAY AKO SAYO NG MAY 10 HOURS! KASI GUSTO KO MATIKMAN MO YUNG NILUTO KO! TAPOS KASAMA MO PALA SI BANG!? DI KA MAN LANG NAGTEXT!? SIGE! KAKAININ KO NALANG YUNG NILUTO KO KESA NAMAN SAYONG DI MAALAM MAGAPPRECIATE!" umiiyak na sigaw ko sakanya.

Pero blanko yung ekspresyon ng mukha nya.

"Kung ayaw mo akong kausapin edi wag! Bahala ka! Napakaarte mo!" galit na sabi nya sakin tsaka umalis.

Ara ano bang nangyayari?

May nagawa ba akong mali?

May kulang ba ako?

Ikaw pa ba si Ara na mahal na mahal ako? Kung hindi siya ikaw, ibalik mo siya pakiusap.

EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon