"Ma, staff siya dito!"
"Ay ganon ba iho kumain ka na ba?"
-"Hindi pa nga ho pero wag niyo na po ako alalahanin"
"Eto iho" Inabutan siya ni mama ng isang styro buti nalang at may tira pang pagkain.Bandang 4 na rin ng hapon nang magpaalam kame sa mga bata. Inayos na namin ang mga ibang gamit at ilalagay na sa van. Si kumag ay nakamasid lang samin habang pinapasok ang ibang gamit sa loob ng van. Bigla syang lumapit.
"Salamat pala sa tulong mo!"
-"Tumigil ka nga alam mo na labag sakin ang tulungan ka. Ayoko gawin to."
"May mas malalim dahilan kung bakit ako tumakas at promise magbabago naman na ko eh"
-"Ano ba pangalan mo?"
"Ako nga pala si Yvo"
-"Hahahahhaha"
"Bakit ano nakakatawa sa pangalan ko?"
-"Yvo-bo"
"Ang sama mo. Matalino ka ba?"
"Oo"
-"Ikaw ano ba pangalan mo?"
"Zia nalang"Sobrang bait talaga ng parents ko biruin mo inalok pa ang kumag na ihatid kung saan siya nakatira. Kapag sinuswerte nga naman. Pinasakay kame ni papa sa may likod ng van kahit ayaw ko eh wala akong nagawa. Mga dalawang oras din ang byahe pabalik ng metro manila. Sa kalagitnaan nakatulog si kumag. Gigisingin ko sana pero kahit papaano may respeto pa rin ako kaya hinayaan ko na lang siya. Habang mahimbing na natutulog tinitigan ko siya
"Ang tangos ng ilong, para talaga syang may lahi tapos ang haba pa ng pilikmata. Aaminin ko gwapo talaga, honestly parang nasa kanya yung ideal man kong lalake tall, moreno and handsome pero ewww adik hahaha wag nalang" (sa isip isip ko)"HOYYYYY Zia matunaw yan ah!"
-"Kadiri naman kuya"Ginising ko na siya dahil sabi ni papa malapit na daw kame sa Marikina.
"Iho saan ka ba sa Marikina?" Tanong ni papa.
-"Sa Tañong po"
"Ay eto malapit na tayo"
-"Manong salamat po sa inyo, sa pagtulong nyo sakin sa inyo po manang at sayo tol"Sila lang pinasalamatan pano naman ako?
Tumingin siya sakin inirapan ko lang.
"Hahahaha at syempre sayo"
-"Oh dito na tayo!" Sabi ni papa.
"Dito nalang po ako. Salamat po ulit."Bumaba na sya. Tumakbo. Takbong parang may hinahabol. Napaisip tuloy ako kung magkikita pa kame. Habang lumalayo ang aming van nakatingin pa rin ako sa pag takbo niya. Ano kaya ang dahilan? Di bale. Di na yun importante.
♡Yvo's Point of view♡
Di ninyo pa ako kilala masyado kayong judgemental sakin. Ako si Yvo Miguel Devenecia. Nag iisang anak galing sa broken family. Ermats ko ang kasama ko sa bahay si Erpats naman nasa bago niya ng pamilya. Wala naman ako galit sa Erpats ko basta sapat ang binibigay niyang sustento samin ni Mommy.
3rd year college na ko sa kursong Marketing. Totoo dapat graduate na ko pero wala eh mahabang kwento.
Hindi naman talaga ako adik. Siguro oo gumamit ako noon pero matagal ko ng itinigil. Hindi dahil sa magulang ko. Itinigil ko ang pag gamit simula ng makilala ko ang babaeng pinag iikutan ng mundo ko. Si Allison. Tangina anim na buwan ko yan niligawan. Dugo at pawis ang sinakripisyo ko sa babaeng yan bago ko makamit ang matamis niyang OO. Mag iisang taon na kame sa susunod na buwan. Tagal na diba? Nagkakilala kame sa school may kurso siyang Culinary arts. Sobrang mahal ko si Alli. Kaya ko ipagpalit lahat sa kanya. Kaya ko ibigay lahat ng meron ako at kung anong wala ako gagawa at gagawa ako ng paraan maibigay ko lang ang lahat. Isang araw lang na di ko siya makita parang mababaliw na ko. Itinigil ko lahat alak, yosi at barkada. Umikot ang buhay ko sa kanya.Pero last last month nagpaalam siya sakin na pupunta siya ng Canada sa mga kamag anak niya doon. Isang buwan. Ayoko talaga kung ako tatanungin. Isang buwan mawawala yung mahal ko. Pero wala ako magagawa pamilya niya iyon.
At doon nag simula ang pagbalik ko sa pag gamit ng pinagbabawal na gamot.Nababagot ako sa pag alis ni Ali di sapat sakin ang skype lang. At dahil doon sumama ako sa barkada, inaamin ko gumamit talaga ako.
Nalaman ng ermats ko, nahalata niya rin kase sa mga kilos ko at sa pag uwi ko ng madaling araw minsan di pa ako umuuwi kaya napag desisyonan niya na dalhin ako sa rehab.
Ayun ang kwento ko.Nasa rehab ako ng binisita ako ng isang kaibigan, bumalik na si Alli galing Canada at nalaman niya nga raw na nasa rehab ako. Ayon ang ikinatatakot ko.
"Pre, gusto na raw ni Alli makipag hiwalay sayo"
Nangilid ang luha sa mata ko isa lang ang naisip kong paraan. Tatakas ako. Di pwede to. Di pwede mawala ang babaeng pinaka mamahal ko. Pupuntahan ko si Alli.
-"Dito nalang po ako. Salamat po ulit"
Sa pagbaba ko ng van sa isang pamilyang tumulong sakin sa orphanage na tinalunan ko sa tabi ng rehab. Tumakbo ako papunta sa bahay nila Alli. Di ko inalintana ang pagod. Kung kinakailangan na lumuhod ako sa kanya ay gagawin ko. O umiyak man ng dugo.
Nakatayo ako sa harap ng pulang gate nila Alli. Nakahawak sa tuhod. Hinihingal. Pinindot ko ng tatlong beses ang doorbell.
"Sino yan?" Lumabas ang isang kasambahay.
-"Nandyan ho ba si Alli? Pwede ko po ba siyang makausap?"
"Abay iho kakaalis niya lang."
-"Ho? Saan ho pumunta?
"Kanina ay may sumundo sa kanyang lalake matangkad at gwapo rin at may magandang kotse"
-"Saan ho sila pumunta?"
"Ay iho di ko na naitanong hayaan mo pag uwi niya sasabihin ko sa kanya na may naghahanap sa kanya, Ano ba pangalan mo?"
"Abay bastos na bata to ah! HOYYY"Di ko na sinagot ang kasambahay. Umalis nalang ako. Naglakad. Naglalakad ng walang patutunguhan. Walang direksyon. Nandidilim ang paligid ko. Madilim. Gusto kong sumigaw sa galit. Hindi to pwede. Hindi ako papayag. Naglalakad pa rin ako. Di ko alam kung saan ako tutungo. Di ko na alam.
"BAKIT ANG BILIS? BAKIT AGAD AKO PINAG PALIT?"Peeeeeeep peeep peeeeep peeeep" Gumising sa akin ang isang busina nasa gitna pala ako ng kalsada. "Peep peeep peeeeep" Napaluhod nalang ako.
BINABASA MO ANG
My heart beats for you
Teen Fiction1 Corinthians 13 Love never fails, so kapag nag fail hindi yun Love...