"Ibaba mo na yan Pio, dalian mo para maumpisahan na natin ang party" - Oo ma! Oy Zia di porke birthday mo di ka na tutulong dito, buhatin mo to mga zesto. Sabay tapik ni Kuya sa malapad kong noo at sabay bulong sa tapat ng tenga ko "Happy birthday bunso" Napangiti nalang ako. "Regalo muna" ganti ko kay kuya. -Tsaka na pagka graduate ko.
Ibinaba namin ang mga dala namin na pagkain sa lumang van ni papa. Spaghetti, Shanghai, Chicken lollipop, Tuna sandwhich at Zesto. Pangkaraniwang handa lang para sa mga bata ang dala namin. Gusto ko lang naman na makita silang masaya sa araw ng birthday ko at sobrang saya na rin namin buong pamilya. Meron din kameng 40pcs na loot bags na may laman na mga kendi at maliliit na laruan. Di ako masyadong nakaayos. Red shirt, black leggings at puting sneakers lang ootd ko sa mismong araw ng birthday ko. Sinalubong ako ng mga batang nag tiyagang nag hintay sa amin dahil nga na traffic kame bandang 11 na tin kase nung nakarating kame eh ang usapan ay 10am. Sabay sabay sila kumanta ng "Happy birthday Ate Zia" Sobrang saya ko. Kahit sila mama, papa at kuya Pio ay abot tenga din ang mga ngiti ng makita nila ang mga bata na magiliw na kumakanta para sa akin. Pagtapos ng ilang laro mga bandang 11:45 kumain na rin kami. Nakisabay na rin kameng pamilya sa pagkain ganon na rin ang ilang mga sisters at nagbabantay sa mga bata. Habang kumakain may isang batang babae ang lumapit sa akin na sa tantya ko ay may edad na 9-11 na taong gulang.
"Hi ate Zia"
-Uy hello!
"Happy birthday po pala ulit at salamat po dahil dito ulit kayo nag birthday"
(Nung nag 17 kase ako dito rin ako nag celebrate ng birthday, nung 18 medyo umasenso at sa hotel ang event syempre kase debut ko)
"Ate bakit wala pa kayong boypren?"
- "huh ang bata mo pa para sa ganyan ha!"
"Napanuod ko po kase sa t.v mga katulad nyo dapat may...."
Sabay pinagdikit ng bata ang dalawang kamay na parang itsurang naghahalikan na nguso.
-"Naku naku wala pa kong ganyan Risa, Ikaw talaga dapat ang pinapanuod mo cartoons ha!".
At tumawa nalang kameng dalawa. Habang nasa loob pa sila ng pinag gaganapan ng event lumabas muna ako para makapag lakad lakad at mag isip kung ano ba yung mga nagawa kong mabuti sa nakalipag na 19 na taon. Nagtungo ako sa garden ng orphanage dahil walang tao at tahimik dito. So naisipan ko na rin mag dasal at syempre magpasalamat kay Lord:
"Lord, salamat po sa 19 years ng aking buhay. Thank you po dahil healthy ang family ko. Walang sakit at madaming blessings ang dumadating sa amin syempre di po namin ito malilimutan i share sa mga nangangailangan. Wag po ninyo kame pababayaan. Si mama po sana ma promote na sya kase tagal niya na po yun minimithi. Si papa naman po sana pumayag na nag boss niya sa kanyang early retirement dahil may diabetes na po si papa. At sana po sa pag graduate ni kuya Pio ay makapasa agad siya sa bar exam at maging isang mabuting abogado at ako naman pagka graduate ko po gusto ko po sana...."Mabuntis na agad at ma gang rape ng anim na adik sa kanto at...
-"Hoy sino ka? Ang bastos mo ah!"
Isang binata ang nasa likod ko nakangisi at nang aasar na pagmumuka, may malalalim na mata mukhang arabyano hahaha.
Tiningnan ko ng masama.
-"Sino ka ba? Janitor ka ba dito o hardinero?"
"Wow lang ah! Sa pogi kong to? Mahiya ka naman!" Sabay ngisi ng kumag.
Nagulat ako sa isabg sitsit na galing sa taas ng bintana sa katabing building ng orphanage.
"Pare talon ka na rin siya lang tao dito"
-"Naku, tatakas kayo sa rehab isusumbong ko kay--- pero biglang tinakpan ang bunganga ko gamit ang mababaho nyang kamay.
"Putang ina pare di na kame makakatalon may bantay na, Alis na! Ingat ka susunod kame " Mahinang sabi ng lalake mula sa taas ng bintana sa nasabing building.
"TAE naman oh"
-"Hoy lalakeng arabyano, sasabihin ko ang ginawa ninyong kalokohan. Pumasok ka na ulit, masama yang ginagawa ninyo mas lalo ka lang mapapahamak kung tatakas ka!"
"Alam mo tumigil ka nga baka di kita matantya, Sige alis na ko!"
Sabay lakad ng lalakeng bastos at walang galang na mukang bagsaka lagi sa GMRC at Values dahil sa ugali.
Napailing nalang ako at lalakad nalang pabalik sa event ng biglang may humatak sa braso ko.
"Dito ka nga muna, Pucha ang hirap tumakas sa ampunan na to ang taas ng gate. Tulungan mo nga ako"
-"Kapal mo rin eh noh dadamay mo pa ako dito, Tigilan mo nga ako"
"Sige na miss.... Putangina may tao"
-"Yari ka!""Ma'am pumasok na po kayo sa loob para makapag paalam na kayo sa mga bata. Ma'am sino po sila? Sabay turo sa lalakeng medyo may takot at kaba sa mukha.
"Ahh manong boyfriend niya ho ako"
-"Hala manong hinde. Yuck"Hahahahaha tawa ni manong guard "Kayo talagang mga kabataan ganyan ganyan din yung misis ko nung high school kame kapag may LQ dini-deny din ako sa mga tao. Mga babae talaga"
"Kaya nga ho manong eh hehehe"
"Abay sige pumasok na kayo hanap na kayo"
-"Opo salamat manong"
Sabay tumawa ang mokong ng malakas ng makalayo si manong guard mula samin.Napatahimik nalang ako at kunot ang noo salubong ang mga kilay.
"Bakit mo ginawa yon?"
-"Genius beybeh"
"Alam no ba na birthday ko ngayon at sinira mo ang espesyal na araw ng buhay ko"
"Edi happy birthday oh ayan na masaya ka na ba?"
-"Umalis ka na dito kung hinde sasabihin ko talaga ang totoo na takas ka sa rehab"
"Tulungan mo nga ako makaalis dito pag nakalabas ako sa pesteng ampunan na to di na kita gugulohin pa"
-"Ayoko madamay, malinis ang pangalan ng pamilya ko ayoko masira kaya please lang"
"Grabe ka naman sakin di mo pa kase ako kilala"Pumasok na ko sa loob at pesteng kumag na to na parang buntot ko. Laking gulat nila mama kung bakit may kasama akong lalake.
BINABASA MO ANG
My heart beats for you
Teen Fiction1 Corinthians 13 Love never fails, so kapag nag fail hindi yun Love...