Stage 2

63 10 4
                                    

Stage 2
She's Back

[Monday]

Balisang bumangon ako ng sumunod na araw. Hindi ako nakatulog kakaisip na baka bumalik na nga talaga si Yuno. O baka naman namalikmata lang ako kagabi? Imposibleng bumalik siya muli after what happened to her a years ago.

But there's one thing I'm sure about, I still love her.

Pumasok ako sa school ng may tatlong bags na baon, kasama na ang eyebags. Nakalimutan kong lunes na pala. May pasok na naman. Sana lang pumasok ang instructor namin ngayon dahil nag-effort akong pumasok ng maaga maka-attend lang sa klase niya.

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng malaking paaralan ng Vindicare Academy. Papunta na ako sa senior high building at hindi pa rin maalis sa isip ko si Yuno.

Hindi ko alam kung ginugulo lang ako ng konsesya ko kaya 'di ko siya makalimutan dahil totoo namang wala akong nagawa para ipagtanggol siya. I loved her that much yet that love isn't enough to help her.

Napailing na lang ako sa mga alalahaning iyon. Sa panahong ito dapat limot ko na ang nakaraan pero malinaw pa rin sa'kin ang lahat. Stupid me.

"Mr. Sanchez, are you okay?" Tanong ng instructor ko sa math na si Ma'am Mendoza. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa gitna ng hallway.

"Yes ma'am. Punta na po ako sa klase ko." Paalam ko at kaagad na tumakbo sa may classroom namin sa forth floor.

Pagpasok ko ay tinignan lang ako ng mga kaklase ko bago ipinagpatuloy ang kanilang mga ginagawa. Twenty-nine lang kami sa klase pero wala pang pansinan. In short, may kaniya-kaniya kaming mundo. Ganiyan naman talaga 'pag nasa star section ka 'di ba?

The truth is, I felt suffocated whenever I'm here. Who wouldn't be? Kasama ko lang naman dito sa loob ang apat na tao na sumira sa babaeng mahal ko. Mga g*go man sila pero hindi maitatangging matatalino rin sila. They were all seated in the last four chairs at the fifth column, while looking at me so intensed.

Dumiretso na lang ako sa upuan ko sa may likuran sa may tabi ng bintana, first row and sixth column. Napabuntong-hininga ako ng makitang may nakapatong na kape na binili pa sa starbucks sa ibabaw ng lamesa ko. Paniguradong galing na naman ito kay Sky, ang babaeng patay na patay sa'kin.

Ilang sandali lang ay pumasok na si Ma'am Mojica, ang teacher namin sa English, with her usual attire, navy blue long sleeves with very long skirt, and thin english book. Hindi ko rin sure kung may itinuturo ba talaga siya sa'min o hindi na namin kailangan ang itinuturo niya.

"Good morning class!" She greeted.

"Good morning Mrs. Mojica!" My classmates answered back.

"Bago ko simulan ang susunod nating lesson, gusto ko sanang ipakilala ang magiging bago niyong kaklase. Dati na siyang naging estudyante dito at sana lang ay maging mabait kayong lahat sa kaniya. Gusto ko i-welcome niyo siya ng maayos. At sana respetuhin niyo siya lalong-lalo na kayong mga boys." Nagkaroon na ako ng hint sa ipapakilala ni Ma'am. There's a part of me that was hoping it was her.

"Kaklase? August na kaya!" Narinig kong sabi ng nasa harapan kong si Shaina. Base sa ayos niya ay nate-threaten siya na baka mas maganda sa kaniya ang transferee, kung babae nga talaga. Girls problem.

"Pumasok ka na." Sabi ni Ma'am at hindi na lang pinansin ang kaklase ko. She's an english teacher but she barely speak english.

Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok ang babaeng hanggang balikat ang itim na itim na buhok, may maliit na mukha at katamtamang pangangatawan. Kulang na lang ay mapatayo ako dito sa kinauupuan ko. Halos kaparehas ng reaksyon ko ang mga naging reaksyon nitong mga kaklase ko.

Nahulog si Shiro sa inuupuan niya ng matitigan ang babae. Samantalang sina Ash, Taro at Ken ay nanlalaki ang mga mata sa gulat. Si Ran ay napatayo ng 'di oras habang ang tatlong babae niyang kaibigan na sina Sky, Aleeyah at Hyacinth ay pinilit siyang iupo. Ang iba pa naming kaklase ay mga nakanganga lang.

Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tama ako, siya nga ang nakita ko kagabi! Over these past few years, hindi ko maitatangging mahal ko pa rin siya. Napangiti ako.

She stood straight and didn't bother her self to smile on us. "Hi. I'm Yuno Gomez."

She's definitely back.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving YunoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon