Yan yung mga oras na pinakilala nya ako sa mga kaibigan nya. Pinag malaki at sinama. Pero yung araw na yan, problemado pa din ako kasi mas pinili ko sumama sa kanila kaysa sa mga kaibigan ko. Inaya kasi ako ng mga friends ko. Swimming daw sa laguna. Eh 2nd day yun ng mens ko. Kaya di ako sumama. Tapos swimming pool pa. Baka di lang ako mag enjoy. Yung araw na inaya ako nila. Pang 4 days ko na patapos na at beach naman kaya sumama ako. Masaya ako kasi nakilala ko yung mga taong nakakasama nya. At mga kapatid nya.