Eto na, Eto yung pinaka araw na ayoko mangyari. Kasi mahal kita. Pero napapagod na din ako. 😭 break tapos magiging tayo na naman. Break na naman tapos babalik ulit sa pagiging tayo. Nakakasawa, para tayong mga bata na naglalaro. Masakit sobra.
Me: ano na ba talaga? Ayoko na ng ganito. Kung wala na, wag na tayo mag communicate.
Neil: patapusin nalang natin yung monthsary natin after nun wala na. Magsimula nalanh ulit tayo sa june kung meron pa.
Me: Sorry. Wag na natin ituloy. Ayoko na talaga.
Dahil kinabukasan monthsary na namin, i s surprise ko sana sya. Kaso tinext ko yung friend nya.
Me: kuya niňo, okay lang ba pabigay na kay neil yung relo? (Yung relo na yun yun yung inorder ko sa kanya. Dahil gustong gusto nya yung g schock.)
Neil's friend: ngayon na? Sige wait. Kunin ko lang sa taas tapos bbgay ko na saknya.
Me: thankyou. Pasabi nalang din happy monthsary. Wala na kasi kami eh.
Neil's friend: hala bakit? Okay ka lang? Sige wait lang.
Ako nag iisip kung itutuloy ko pa ba yung surprise ko sa kanya or hindi na. Nakakapagod na kase eh. Paulit ulit na kme na naghihiwalay. At parang ganun na kadali sa knya na wala na talaga kme. Hanggang sa binigay na ni kuya yung relo.
Niel's friend: anne, nabigay ko na yung gift mo. Nagulat sya. Kiniss ko pa nga eh.
Me: di nga? Haha ano reaction?
Neil's friend: gulat na gulat. Di makapaniwala.
Me: thankyou.
Niel's friend: ano itutuloy pa ba natin? Yung surprise mo sa knya bukas?
Me: ewan ko nga eh. Kanina ko pa iniisip. 😐 hay.
Pinag isipan ko ng mabuti. Kaso ayun nauwi sa ginawa ko pa din. Sabi ko sa sarili ko after nun, lalayo na ako. Uuwi na ako. Gusto ko lang na malaman nya at maramdaman nya king paano ko sya minahal ng sobra kahit bago palang kami.