This story's derive from the given words by BiriteraNgBanyo :
Madaling araw
Libro
Sapatos na itim
Barya
Langit
(Bus)Dre! I'm sorry to disappoint you. Here you go! Hope you enjoy. Chaaar! 😂
----------
"Some souls just understand each other upon meeting."
- N.R. Hart----------
Niyakap ko pa ng mas mahigpit ang aking sarili nang magbabadiya na namang tumulo ang aking mga luha. Kahit naka-jacket ako ay nararamdaman ko pa din ang lamig sa loob ng bus. Wala akong katabi, kaunti na lang din ang mga pasaherong nakasakay. Isang sampal sa akin ang pag-iisa sa dulong bahagi ng bus, sinasarili ang problema. Nag-iisa. Walang mapagsabihan ng nagpapabigat sa aking damdamin. Bakit pa? Bakit ko pa pipiliing humanap ng makikinig sa akin? Maiintindihan ba nila ang nararamdaman ko kapag sinabi ko lahat? Maaalis ba nila ang sakit? Ano gagawin nila? Wala, kung hindi ang murahin lang ang lalakeng 'yon at sabihin sa aking madami pang iba diyan sa tabi. Putangina, hindi ko kailangan ng ibang lalake. Hindi ko sila kailangang lahat. Wala silang maitutulong sa akin para pagaanin ang loob ko. Hindi ko na nga alam kung mapagkakatiwalaan ko pa silang lahat dahil sarili kong best friend tinaraydor ako, sila pa kayang malapit lang sa akin? Walang hiya siya, walang hiya sila, mabulok sana sila sa impyerno.
Ala-una na ng madaling araw at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan patungo ang sinasakyan ko. Ang alam ko lang, gusto ko magpakalayu-layo. Iniwan ko sa hotel lahat ng gamit ko maliban sa wallet kong hindi ko alam kung magkano ang laman. Wala akong dalang cellphone, kahit anong gadget na makakapag-communicate sa kanila, at paniguradong natataranta na sila sa paghahanap sa akin. Ngayon lang sumagi sa isipan ko 'yon, because my mind is filled with questions that I'm not even sure if I want them answered.
Isinandal ko ang ulo ko sa salamin habang tulala, hindi napapansin ang dinadaanan dahil sa sobrang liwanag ng ilaw sa loob ng bus. Itinakip ko sa aking bibig ang aking malamig na palad para hindi makawala ang ingay na malilikha ng aking pag-iyak. Gusto ko na lang tanggalin ang puso ko sa sobrang sakit at bigay ng nararamdaman ko. Gusto ko na lang tanggalin ang puso ko para matapos na ang lahat.
All of a sudden the image I witnessed a few hours ago flashed again. I went to my fiance's room to surprise him. I missed him so much that I couldn't wait for our wedding day to come to see him again. But, when I went to his room, I was the one surprised.
Life could really fuck you up and make you miserable. It can make you believe that everything is under control. Showers you glittery stuff and confettis to prove its point, but in reality...it's just part of the play. When you're so much into it, that's the time it will messed up. And it hurts fucking bigtime to the point you wishes to die.
Parang buhay ko. Ang inaakala kong happily ever after mauuwi lang pala sa disater. Who could have imagine that your prince charming got the hots for your best friend? Ang sarap magmura ng malutong, paulit-ulit. Ang pinakamasakit, on the night of your wedding day mo pa malalaman ang kahayupan nila. Your best friend and your guy, makikita mong naghahalikan sa kama ng hotel room ng fiance mo. There's his clothes hanging in front of them, screaming the obvious.
Siguro kung hindi pa ako dumating baka mas malala pa ang ginawa nila sa paghahalikan. Nang matagpuan ko silang nasa ganoong posisyon, naestatwa ako. Hindi ko maproseso lahat. Laking pagtataka ko pa na hindi ko nabitawan ang wine na hawak ko. Hindi ko na din namalayan na lumapit na sa akin si Michael, explaining everything I saw. Para saan pa? Malinaw na malinaw naman ang nakita ko, hindi lang talaga kayang malunok ng pride ko. Magpaliwanag man siya hindi ko din naman iintindihin, hindi ko pakikinggan, pero hinayaan kong magsalita siya ng magsalita. Pinagmasdan ko lang si Michael, inaantay na maputol ang litid nito sa pagpapaintindi sa akin ng kung anumang gusto niyang iparating. Tinitigan ko ang best friend ko ng hindi ko na makayanang makita ang fiance kong gago. Nandoon lang si Charie, nakaupo sa kama, nag-aalala. Bakit? Para saan? Para sa nararamdaman ko? Tangina niya, tangina nila. O baka naman nag-aalala siya na sabihin ko sa lahat ang tungkol dito. Huwag siyang mag-alala, bigyan niya lang ako ng isang araw, pagpipiyestahan na siya. Maghintay lang sila.