[A] Best

49 0 3
                                    

[A/N]

This is a FANFICTION.

Kim Ji Won a.k.a Bobby is the main rapper of iKON. Sa mga hindi pa nakakakilala sa kanya naka-attach ang picture niya sa may gilid. :D

I’m sorry sa mga wrong grammar.

Bobby side view on the right side ->

Enjoy reading!

Don’t forget to comment below! :D

               

“So…for example, there’s an astronaut floating around the earth. The question is…is the astronaut weightless or not?”

               

Napahalumbaba ako sa tanong ni Mr. Roque. Masyado akong naba-bother sa hitsura ng professor ko kaya ‘di ako masyadong makapag-isip ngayon. Araw-araw na lang niya kaming sinu-surprise sa mga porma niya. Hindi pa ba sapat sa kanya ang mga ibinibigay niyang surprise quiz sa amin every week?

               

Panot ang tuktok ng ulo nito. Hindi ko maintindihan kung nakikibagay ba ito sa Mohawk hair style at iniba lang niya ang version ng kanya o sadyang nanglalagas na ang buhok nito sa kakaaral ng Physics. May bago ding umeeksena sa mukha niya ngayon. Ang napakalaking pimples sa may tabi ng ilong nito na kasing pula ng kamatis. Ako ang nakakaramdam ng sakit kapag doon napapadaan ang mga mata ko.

               

Ang jologs na pananamit niya ang talagang patok na patok ngayon araw. Nakapolo ito na kulay pink, nakabuton lahat ng butones. At may bow tie pang kasama. Naka-tuck sa pantalon niyang kulay abo ang polo, na malapit na sa bulsa ng polo nito ang bewang ng pantalon. Sinamahan pa nito ng leather boots na talaga namang kumikinang sa kintab.

               

Napadako ulit ang tingin ko sa mukha nito at hindi nakaligtas sa akin ang ngipin nitong one-seat-apart.

               

“Sir!”, sigaw noong isa kong kaklase.“Sa mismong loob na po ba ng earth nag-fo-float ang astronaut?”

               

“No. Nasa outer space na ito.”, pagtatama niya sa kaklase ko.“Common sense ang gamitin, people. Paano magf-float ang astraunaut sa loob ng Earth?”

               

Nakaramdam naman ako ng pag-ihi sa pangbabara nitong si Sir. Dahan-dahan kong inusod ang inuupuan ko para makalabas ang mga paa ko sa ilalim ng lamesa. Bago pa tuluyang makaalis ang isa kong paa ay may biglang nag-slide na itim na bag sa tabi ko. Napatingin ako sa backdoor at tama ang hinala ko kung sino ang may-ari nito. Ngumiti ito sa akin na parang akala mo ay hindi pinoproblema ang pagpapaliwanag sa professor namin kung bakit maaga siya sa susunod nitong klase.

               

Tumingin ako ulit kay Sir Roque na kasalukuyang nagd-drawing para sa example nito. Kinuha naman ni Bobby ang pagkakataong iyon para makatakbo ng mabilis papunta sa may tabi ko. Kinuha naman nito ang bag sa sahig at tahimik na umupo sa upuan niya.

Under The Galaxy's StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon