Written By: SweetSmillee
*kring * kring * kring*
Tunog ng aking alarm clock kaya't inhinto ko na ang pagtunog nito, kinuha ko ang mga gamit ko sa pangligo at dumiretso na ako kaagad sa cr para makapagshower na. Maaga ako palagi nagigising dahil matagal akong magayos ng aking sarili. Matapos ata ang isang oras tapos na ako magshower at nagbihis na din naman ako kaagad at naglagay ng kauntin kolorete sa aking mukha. Matapos nun ay lumabas na ako ng aming bahay.
Hindi ako nagaagahan sa bahay sa pagdating sa opisina ako nagaalmusal dahil nga palagi naman akong maagang napasok. Ngunit monday ngayon kaya mas pinaaga ko pa lalo ang alis ko dahil kapag inabot ako ng rush hour nako lagot na talaga.
Nakasakay na akong bus pamakati, alam niyo naman ang lugar na yun napakadaming tao at sasakyan ang naglipana sa lugar na yun pero ang pinakaayoko sa lahat kahit sa ibang lugar ang yung walang pedestrian lane or yung meron man kaso napakalayo pa at kailangan mong umikot para makatawid lang sa kabilang ibayo. To make it story short, ayoko talaga yung tumawid tawid dahil natatakot ako or should I say na may fear or phobia talaga ako sa pagtawid.
~
Nawili pala ako sa pakikinig ng music sa cellphone ko. Napatingin naman ako sa bintana at napansin kong masa nakati na pala ako, kaya bumaba na agad ako ng bus. Unting lakad lang ang ginawa ko kaya nakarating na din ako sa sakayan ng jeepney. Napuno naman agad ito kaya bumyahe naman din kaagad.
Nakarating na ako sa destinasyon na pupuntahan ko ngunit may isang bagay lang akong naging problema, ang pagtawid gamit ang pedestrian lane. Madalas kung sino sino ang nakakasabay ko, kaya pumipili ako ng taong tatabihan ko, dahil hindi ko talaga maiwasan ang mapahawak sa kanila sa tuwing tumatawid na ako sa kalsada.
Madaming tao ang nagaabang sa paghinto ng stoplight para makatawid lang sa kabilang side ng lugar ng makati. Tumabi ako sa isang may idad na babae para naman kahit paano ay safe ako at hindi magrereklamo kapag napahawak ako sa kamay niya.
"Lola, pahawak po ako sa kamay niyo ah? Takot po kasi akong tumawid." sabi ko sa matanda at ngumiti lang din naman siya sa akin bilang tugon sa sinabi ko.
Dumating na yung time at nagred stoplight na kaya nagmamadali na ang mga tao, sa pagtawid. Habang tumatawid kami sa kalsada, nagulat nalang ako sa nagsalita at sa sinabi niya.
"Ms, enjoy na enjoy mo naman ata ang pagkakahawak sa kamay ko?" sabi nung di ko kilalang lalaki. Gwapo siya kaso napakayabang niya. At nagulat nalang din ako sa kamay ko na sa kanya nga ako nakahawak sa pagkakatanda ko kasi matandang babae ang katabi ko at nakahawak ako sa kanya kanina, pero bakit biglang naging lalaki? Napansin ata nung mayabang na lalaki na nakatingin ako sa kamay naming dalawa, kaya ngumisi siya.
"Luuh, huwag ka ngang epal. Si lola yung katabi ko at kahawak kamay ko kanina at hindi ikaw!" sabi ko sa kanya na may kasamang duro pa. Nakatawid na kami at nasa kabilang side na kung saan malapit nalang sa pinapasukan kong trabaho.
"Okay Sorry. I mean it, sinadya ko yun Ok na? I'm Mark, gusto ko lang makipagkilala kasi sayo. Sorry sa ginawa ko." sabi niya, sabay abot ng kamay niya pero tiningnan ko lang yun at hindi ko iyon tinanggap. Rude na kung rude pero kasi umagang umaga nagawa pang magbiro tapos hindi naman close at lalong hindi ko siya kilala, kaya ang nasabi ko nalang.
BINABASA MO ANG
Pesdestrian Lane
Ficção AdolescentePedestrian lane ang isang daan o kalsada na matagal nang kinakatakutan Hillary. at mas dumomble pa lalo nung nawala ang isang taong pinakamahalaga sa kanya at walang iba kundi si Bryan. Paano kung ng dahil din sa pedestrian lane ay makikilala niya y...