Chapter 3. Completely a badass
Nagising na naman ako sa maingay na alarm.
Kinuha ko ang phone ko.
1 new message
From: +63926.......
Hi. Got your number from Tito Leo. Can't wait to see you again.
- Harry Potter, with love ♥
May number pala sya ni dad. Sinave ko number nya at nagreply.
To: Harry Potter
With love ka ‘jan. Can't wait to see you too :) ‘mayang hapon na tayo magtext. I'll go to school pa kasi.
Sending..
Message sent!
Mga ilang segundo pa ang nakakalipas..
1 new message
From: Harry Potter
Okay. Take care, princess :*
Haha. Ang sweet talaga ng lalaking yun :3
Naligo na ako at nagbihis na rin. Bumaba na ako para mag-almusal at napansin kong parang tahimik yata ng bahay.
"Manang, nasan po sila daddy?" tanong ko sa nagwawalis na si Yaya Puring.
"Naku ma'am, umalis na kaninang madaling araw. Aasikasuhan na daw po nila ang bagong branch nyo po sa Tennessee. Meron po pala silang sulat para sa inyo." sabi nya sabay abot ng isang sulat.
Baby,
Umalis na kami kaninang 2:00 am dahil mahaba pa ang byahe. Sorry hindi namin nasabi sayo. Alam kasi namin na sasama ka na naman and we can't take you kasi paano nalang ang studies mo? You're excelling pa naman. Don't worry, we'll be back in maybe 3 months. You take care of yourself for us, okay? We love you. So. Much.
Mom and Dad ♥
Haha. napa'smile ako sa letter nila. Naaalala ko kasi nung pinilit kong sumama sa kanila last year sa Canada para asikasuhin namin yung bagong branch ng restaurant namin na ipinangalan sa akin. “Abby". yun lang ang pangalan. Ang simple lang diba? :)
Pumasok na ako sa school. Na'mention ko na bang I'm the Campus Princess? At walang lumalapit sakin dahil dun. Siguro nahihiya sila. Ni wala ngang nanliligaw sakin eh -______-
While walking sa corridor, may tumawag sakin at paglingon ko..
*__________*
Oh. My. Prince. Charming.
Slow motion ang pagtakbo nya papalapit sakin. May glitters pa akong nakikita na nakapalibot sa kanya. Hinihingal pa syang humarap sakin.
“H-hi Nathan." I can't believe I'm stammering. Inhale. Exhale. “May kailangan ka?"
Niyakap nya ako bigla. Pinagtitinginan na kami ng ibang studyante.
"W-what are y-you doing?" Dahil sa higpit ng yakap nya naaamoy ko ang mabangong perfume nya.
"Tumalikod ka habang niyayakap kita." bulong nya.
"what? why?"
"Just do it. May tagos ka. Hindi ka kasi nag-iingat." O__________O Agad akong tumalikod.
"Ano na ngayon, Nathan?" hindi ko na alam ang gagawin.
“Ano pa ba? Alangan naman pumasok ka sa klase. Pumunta ka ng CR tanga." Ano daw? Tanga? TURN OFF.
“Sorry kung tanga ako. Iwan mo na nga lang ako. Kaya ko na ‘to. Salamat." sarkastikong sabi ko.
At tuluyan na syang umalis. Kapag dinatnan ka nga naman ng malas. Nakakainis. Nakakaturn-off ang ugali ni Nathan. Ang gaspang! >_____<
Pupunta na sana ako sa CR ng biglang..
“Hoy babaeng walang first kiss!!" alam na alam ko ang boses na 'yon kaya nilingon ko ang nakangising si Lucian.
“Ano na naman?!!" nakapamewang kong sabi.
"Feeler ka rin ano? Anong 'naman' eh ngayon pa nga kita tinawag." nakangisi pa rin sya. Aba ang sarap hampasin ng locker ah.
"Kung mang-aasar ka lang, pwede ba lubayan mo na ako. May gagawin pa ako at isa pa, malapit nang magbell." pinaningkitan ko sya ng mata.
At nag'bell na nga. Nagsitakbuhan na ang mga studyante sa kani-kanilang klase at akmang aalis na ako nang magsalita sya ulit.
"Dahil ba yan sa dugo mo sa palda na senyales na hindi ka na virgin?"
O________O ano daw?
"Ano?" laglag panga kong tanong.
"First time mo sigurong makipag'ano kaya may dugo yang palda mo. diba?" sabi nya, quoting the word 'ano'.
"Excuse me-"
"Ganyang ganyan kasi ang nangyayari sa mga babaeng naikama ko. Mahilig kasi ako sa virgin. Sayang, naunahan pa ako sayo." nanggagalaiti na ako sa mga sinasabi nya.
Nilapitan ko sya at kinwelyuhan.
"ANG KAPAL NG MUKHA MO. AKALA MO SINO KANG GWAPO EH MUKHA KA NAMANG LANGAW. AT ISA PA, VIRGIN PA AKO. AT KAHIT KAILAN HINDING HINDI MO YON MAKUKUHA NAIINTINDIHAN MO BA?" pinandilatan ko na sya ng mata.
"Woah. Kinikilabutan ako sayo. Err." sabay hawak sa wrist ko.
Nilapit nya ang mukha nya sakin hanggang sa naaamoy ko na ang hininga nya.
"I like your guts." at hinalikan nya ako. Pero hindi kagaya nung una, mas matagal ngayon. Nakakalasing ang mga halik nya. Nadadala na ako. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Parang umiikot ang mundo ko. I unconsciously wrapped my arms on his neck. Ang lalim na ng mga halik namin. Mapupusok ang mga halik nya at binalik ko rin yon sa kanya.
Then he stopped.
Dinilat ko ang mga mata ko.
"Magaling ka humalik. Kaso hindi ka na virgin. Kaya hindi kita type." tinalikuran nya ako at tumakbo na sya paalis.
Naiwan akong nakatulala.
"Hindi kita type."
"Hindi kita type."
"Hindi kita type."
Paulit-ulit yon sa isipan ko.
Ano ba kasing naisip ko at humalik rin ako sa kanya?
Nasapo ko nalang ang noo ko.
"Ang tanga tanga mo, Abby. Ang tanga tanga mo." nasabi ko nalang sa sarili ko.
[A/N:]
Sorry short update lang. Konti pa kasi nagbabasa neto eh. Kung nagustuhan nyo, comment lang :) or vote kung gustooooo nyo talaga. Haha sorry assuming ako.
-Swiftmaniac
BINABASA MO ANG
Stealing the heart of the Bastard
RomancePaano ako magtitiwala sa lalaking wala namang ginawang tama?