Chapter 2.

15 0 3
                                    

Chapter 2. Another mess

Nakauwi narin ako sa bahay matapos ang halikan namin ni Lucian.

Joke! Matapos ang pangnakaw ng halik sa akin ng gagong yun.

Bwiset! I never even had the chance to counter attack. Chos, parang suntukan lang XD

Pero seryoso, nakakainis yung ginawa nya. Humanda sakin ang bastardong yun.

Mag-aayos nalang muna ako para sa party. Casual party lang naman yun so nag'white dress nalang ako na above the knee at nag'heels ng hindi masyadong high. Tinitignan ko ang sarili ko sa salamin nang biglang tinawag ako ni mommy..

“Abegail Lauren!!! Bilisan mo dyan. Aalis na tayo!!" sigaw nya mula sa baba.

“Yes mom!! I'm coming!!" at nagmamadali na akong bumaba.

Pagkababa ko, nagsalita si dad..

“You look beautiful, princess."

“Thanks dad." I smiled at him at sumakay na kami sa kotse.

:>

After the 20 mins. drive, sa wakas ay nakarating na kami sa venue. May nagbabantay na mga gwardiya sa gate at pinakita ni dad ang invitation card kaya pinapasok kami. Sa garden ng mansion magaganap ang party kaya pumunta kami doon.

Nang makarating kami sa napakaganda at napalaking hardin, nilibot ko agad ang tingin ko. Grabe ang ganda. Ang daming bulaklak at lahat ng bisita ay mukhang mayayaman, meron pang ibang artista. Nakita ko pa nga si Daniel Padilla eh :>

May lumapit samin na lalaking naka'tuxedo na mukhang nasa mid forties.

“Kumpare!" sabi nito sa dad ko.

“Kumpare, kilala mo na naman ang asawa ko. And now meet Abby, our one and only princess." sabi ni dad.

“And Abby, this amazing man is my best friend and business partner, Philip Mendoza. Just call him Tito Philip." dagdag pa nya.

“Good evening, Tito Philip. Nice to meet you po."

“Nice to meet you too iha. And oh, I want you all to meet my one and only son.." at may tinawag siyang binata at agad naman itong lumapit samin. “Jake Harry Mendoza."

“Good evening sa inyo." he said while smiling at me.

“Tara, upo muna tayo do'n sa table." sabi ni Tito.

Tanga. Kailan pa naging upuan ang table. Hibang yata si tito. Erase! Erase! wag kang rude, Abby. This isn't your territory.

At yun nga. Umupo na kami.

“So kumpare, ano na ang plano about doon sa expansion nyo at pagdagdag ng branch sa Los Angeles?" tanong ni tito kay dad.

“About sa expansion, na'consult ko na ang adviser ko. He said that will be a good idea. And about sa additional branch, well I plan on changing that. Maybe sa Tennessee nalang. Or Rhode Island. ‘Yan ang dalawa kong options." sagot naman ni dad.

Bored ako sa pakikinig kaya nilibot ko nalang ang tingin ko sa paligid. Nililibot ko ang mata ko hanggang sa nahuli kong nakatitig sakin si Jake Harry. I raised my eyebrow at him.

“You're bored, aren't you?" he said with a sly smile.

“Yeah." I sighed.

“How about I tour you around?" he offered his hand. Tinanggap ko naman yun.

“Dad, pasyal po muna kami." sabi ko.

“Sige, baby. Para mas makilala nyo ang isa't isa." sabi ni dad. Nag'wink pa sya kay Jake.

“Ingatan mo ang prinsesa, anak." dagdag naman ni tito. Nag-blush ako sa sinabi nya.

“Syempre naman po." at nag-salute si Jake. I just rolled my eyes.

Naglalakad-lakad lang kami sa malayo-layong parte ng garden. Walang nagsasalita. Grabe mayaman rin ang isang ‘to. Ang laki ng lupa nila *_____*

“So, tell me about yourself." he finally broke the silence.

“Ano naman sasabihin ko?"

“Pangalan mo, kasi hindi ko pa alam yung sayo. What year are you in, your birthday, hobbies, what you like and don't. Just tell me anything." sabi nya habang ako, titig na titig sa kanya. Grabe ang gwapo pala nya, ngayon ko lang na'notice. A really dark hair, ang tangos ng ilong, brown eyes, mahahabang pilik mata, at pinkish lips na parang ang sarap halikan.

“Hey. Stop spacing out." I got distracted from my train of thoughts.

“Ay oo nga pala. My name's Abegail Lauren Salvador. Turning 18 next next next month. I play the guitar, I sing, I'm Torres University's top 2 senior student and I like boys-next-door." i shyly smiled at him.

“You're damn talented. I guess it's my turn. You already know my name and you can call me Harry. I grew up in Lodi, California. Just turned 18 today. I also play the guitar and I also sing and I'm a boy-next-door." Nag-boyish smile sya na naging dahilan ng paglaglag ng panga ko.

“Stop drooling and just greet me a happy birthday." at tumawa siya.

“Kapal ng mukha mo. Maligayang kaarawan, amerikano." at ako naman ngayon ang tumawa.

“Don't call me that. I understand tagalog but it's hard for me to speak." nag'pout sya. awwww ang cute nya. sarap nyang kurutin.

Kumain kami sandali at bumalik sa pwesto namin ng biglang..

“Why is Lucian Jacinto here?!"

“Hala. The son of the criminal."

“Gate crasher yan."

Nakita ko si Lucian na pumunta sa stage at kinuha ang mic.

“Mitch Sandoval, kung nandito ka, lumapit ka sakin!" sabi nya with mapupungay na mata. Scary.

“Magbibilang lang ako hanggang tatlo. Kung hindi ka pa lumapit dito, pagsisihan mo habang buhay!"

Wala pa ring lumapit.

“Isa."

Tahimik ang buong paligid, halata sa mga mukha ng mga tao dito ang takot.

“He's looking for my cousin.." bulong sakin ni Harry.

“Dalawa." naglabas ng baril si Jacinto. I heard the people gasp. Pero wala pa ring lumapit.

“Tat-"

“Teka lang, Lucian!!" may nakita akong babaeng tumakbo sa harapan.

Ngumisi si Lucian. May pinag-usapan sila at seryosong-seryoso ang mukha nya. Hindi namin marinig ang pinag-uusapan nila dahil nilagay nya na sa mesa ang mic. Frozen pa rin kaming lahat dahil may hawak pa rin syang baril.

Nakita kong yayakap sya sa babae pero umiwas ito.

May sinabi ang babae at umalis na. Ilang sandali pa ay nagwala na si Lucian. Binaligtad nya ang mga mesa. Tinapon nya ang mga pagkain. Sinira nya ang mga decorations.

“Harry sinisira nya ang celebration mo." sabi ko sabay sulyap kay sakanya. Nakita kong parang wala lang syang pakialam.

“Just leave him alone. Just understand him. I already got used to what he does. He's a lost sheep." nakita kong naglungkot ang ekspresyon nya. Nakatingin lang din ang mga guard.

Pagkatapos ng paninira nya ay umalis na sya.

“Baby, uwi na tayo. Nagpaalam na ako sa Tito Phil mo." sabi ni dad.

“Oh pano yan. Uwi na kami, amerikano." sabi ko kay Harry at nagwink pa ako sa kanya.

“Bye, prinsesa. See you next time ;)" at umuwi na kami.

Humiga agad ako sa kama ko ng hindi pa nagbibihis. Alas onse na.

Nakita ko na naman ang gago sa party kanina. Kahit kailan talaga panira sya ng araw.

Isa syang masamang panaginip na hindi-hindi ko gugustuhing mapanaginipan.

Pumikit nalang ako para matulog na..

Stealing the heart of the BastardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon