Love Dialogue
Written by : cyndz_jPlagiarism is a crime!
--------
"Magtatapat na ako sa kanya"
Parang nabingi ako sa sinabi ni Zenon. All of my life minahal ko siya kahit na alam kong hanggang friendzone lang ako sa kanya.
"hahaha talaga? Masaya ako para sayo" pilit ang ngiting binigay ko
Tanga ka ba Reize? Masaya ? Ikaw? talaga lang ha
"Ok ka lang Reize?" hinawakan niya ako sa braso ng mawalan ako ng balanse
"Hehe, ok lang ako ano ka ba , sige una na ako ah" saka mabilis na tumalikod , ayokong makita niya ang nangingilid kong mga luha dahil natatakot akong isipin ang mararamdaman niya kung nagkataon na malaman niya ang nararamdman ko para sa kanya, ayaw kong layuan niya ako.
Nagsimulang manlabo ang panigin ko .Hindi ko na alam kung tamang direksiyon pauwi ang tinatahak ko basta ang alam ko lang masakit yung puso ko ngayon, sobrang sakit .Pinipilit kong bilisan yung mga hakbang ko pero nanghihina ang mga tuhod ko
"Bakit hindi na lang ako Zenon?"
Umuwi akong walang tigil sa kakaiyak , sumubsob kagad ako sa kama ko at doon ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Ano nga bang laban ko sa Shaira na yun ? Maganda , matalino at hinahangaan siya ng lahat samantalang ako plain student , nerd at stress reliever lang ng bestfriend kong si Zenon.
"Magmamahal ka na lang kasi sa kaibigan mo pa , hindi kayo bagay, ni hindi ka nga niya napapansin eh, tigilan mo na yang kahibangan mo Reize ok?"
Kusang naglalaglagan yung mga luha ko masakit mang isipin pero kailangan ko na nga sigurong ibaon sa limot lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Dahil unang-una wala namang patutunguhan to eh , ako lang ang magmamahal at masasaktan sa huli.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong walang tigil sa kakaiyak ng dahil sa kanya. Hindi ko na namalayan ang paglubog ng araw sa labas. Ni hindi na nga rin ako lumabas para kumain ng hapunan wala akong alam na gawin ngayon kundi magmukmok at umiyak ng umiyak , hoping na sana bukas wala na tong sakit na nararamdman ko.
11:55 P.M
Anong oras na , di parin ako makatulog.
Nakatitig lang ako sa cellphone ko , umaasang may manggaling na text message galing sa kanya.
"Ayan Reize, umaatake na naman yang pagiging ilusyonada mo kaya ka nasasaktan eh. "
Tumutulo na naman tuloy tong pesteng luha na to
Paano na kaya, 'di sinasadya
'Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa
Paano na kaya 'di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigan
'Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya....
Nagulat ako ng tumunog ang favorite kong ringtone and to my amusement
Pangalan niya yung nasa phone screen
Kumabog nang husto yung puso ko...
"He--llo--" sa pagitan ng mga hikbi
"Reize" lalong tumulo yung mga luha ko ng marinig ko yung boses niya
Ayaw kong marinig niya yung paghikbi ko kaya hindi ako nagsalita
"Reize? Are you there?"
"Uh-oh"
"Reize may problema ba?"
"problema?haha wala ah " pinilit kong ngumiti
"Buti naman, ayoko kasing malungkot ka"
Ayan , kaya ako umaasa eh
"Hehe "
"Reize, sa tingin mo magugustuhan niya ba ako?
Shet!
"Oo naman," peste umiiyak na naman ako
"Mahal ko siya sobra"
Ouch...
"Kausapin mo siya wala namang mawawala eh"
Tanga ka Reize alam mo ba yun?
"Hindi ko alam , baka hindi niya ako magustuhan"
Ako gustong-gusto kita Zenon, mahal pa nga kita eh
"Wag mong sabihin yan , "
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya"
Kung sana ako na lang sasabihin mo , kung sana ako na lang ang mahal mo
Kusa na namang naglaglagan yung mga luha ko ..
"Zenon pwedeng ako na lang"
"Then just tell her" yan ang lumabas sa bibig ko
"What should I say?"
"Tell her how much you love her "
Niyakap ko na lang yung mga binti ko para mapigilan ang paghagulgol ..
"I tell her everyday"
Everyday? Lagi silang magkausap, lagi niyang sinasabi kung gaaano niya ito kamahal. Damn this heart , so much in pain .
"Anong ibig mong sabihin Zenon?" parang sinasaksak ng maliliit na karayom yung puso ko
"I'm always with her, mahal ko siya sobra Reize" I heared his voice with loneliness
"Alam ko kung ano ang nararamdaman mo, ganyan din ako , pero hindi naman niya ako magugustuhan.. May ma---ha--l na siyang iba"
Sandaling nanahimik sa kabilang linya
"Zenon"
Still tahimik pa rin
"Zenon"
still he's in silence
"Zenon"
"Andito pa ko" sa wakas nagsalita rin siya
"Sino siya Reize?"
"Ikaw" i want to voice out loud
Ikaw .. at laging ikaw
"Wala, hindi naman niya ako mapapansin kahit kailan" Malungkot kong sabi
"Oh I see,parehas lang pala tayo siguro hindi niya rin ako magugustuhan, may mahal na pala siyang iba"
Ha? Alam ko mutual ang feelings nila para sa isa't'isa kaya walng dahilan para ipagkait ko kay Shaira ang pagkakataon na mahalin siya ng bestfriend ko
"Zenon, she does" masakit man pero sinabi ko parin
"How do you know?"
"Sino bang hindi magkakagusto sayo? You're almost perfect"
And were perfect ..... SANA..
"So ano kakausapin mo na ba siya? " Hindi ko na mapigilan kaya napaiyak na ako ng husto
I heared him sigh ,
"I just did Reize, I just did"
End