MP3p - Book2 (Modela Probinsyana 3p)

5.4K 156 45
                                    

Waaaaaaaah~ Nasa 1M reads na ang MP3p One! And counting pa! Am very happy and greatful to our Father God Jesus Christ! (TTuTT) Pero syempre kasama kayo sa mga dahilan, mga mahal kong readers, kaya SALAMAT ng madami pa sa madami at SALAMAT pa ng isang beses! XD

 

 

Heto na ang hinihingi nyong Book2 but please read my notes after nitong prologue para alam nyo kung kailan ang susunod na update. Na-miss nyo ba MP3p? Eh ako? Echos! Haha..

 

 

ENJOY READING!!! (^_^)/

__o0o__

Si Elvina ay ang dalagang nagmula sa probinsya na namuhay sa lungsod at nakisalamuha sa mga taong ibang-iba sa mga taong dati nyang nakakasama sa probinsya. Pinatunayan nyang hindi hadlang ang istado ng buhay upang makakilala ng magpupuno ng pagmamahal sa kanya mula ng yumao ang kanyang mga magulang.

Mistulang malaking pagsubok ang lahat ng mga nangyari dahil sa iba't-ibang karanasan na kanyang sinalubong noong iniwan nya ang probinsya kasama ang kanyang lola. Maraming nagbago sa kanyang pamumuhay ngunit nanatili syang mapagkumbaba at maunawain sa kapwa.

Hindi sya nagpalason sa mga biyayang kanyang tinanggap simula ng umapak sya sa lungsod. Kaya mula sa pagiging simpleng probinsyana ay nagmistulan na syang Modernang Probinsyana dahil para syang makabagong ihemplo ng isang dalaga.

Ngunit paano nya kaya kahaharapin ang buhay ngayong isa na syang sikat na modela?

Kakayanin nya kayang banggain ang katotohanang hindi na ganoon kapribado ang mga bagay-bagay sa kanya?

Ano naman kaya ang magiging epekto sa kanilang dalawa ng kanyang kasintahang si Rence?

Makakabuti ba sa kanya ang malaking pagbabago na kanyang tinanggap o magiging dahilan lang ito ng pagkabuwag ng mga relasyon nya sa kaibigan, pamilya at pag-ibig?

Paano kaya lulusotan o sosolusyonan sa pagkakataong ito ng ating makulit na bida ang mga kakaharaping mga pagsubok ngayong isa na syang Modela Probinsyana?

Ano na naman kaya ang mga 3p nya?

**MP3p Level 2! Modela Probinsyana 3p!**

__o0o__

NOTES: Nilabas ko lang ito dahil sa sobrang bonggang saya ng makita kong 1M reads na ang MP3p Book1. I now announced, as in it's official, meron ng Book2 pero hindi ko muna itutuloy dahil tatapusin ko muna yung Bratinella Series. Promoted na kasi ako sa work kaya mas busy na ako ngayon kumpara dati. Maiintindihan nyo naman di ba? Ayun. Abang-abang nalang. Hehe. Pero napapaisip ako.. hanggang ilang votes or comments kaya ang kaya nyong ibigay para dito? Haha. Bwena mano naman dyan oh? Nyahaha.. Salamats ulet! (^_^)/

-->BelomaCassidy

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MP3p - Book2 (Modela Probinsyana 3p)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon