“Simple lang, pakasalan mo ako.”
My jaw hangs for the second time! Totoo ba’to? He’s proposing to me? Teka, teka, wala bang nagkakagusto sa kanya kaya he’s so desperate to get a girl na?
Kumaway ako sa kanya na parang naghahallucinate lang ako. “You okay? May sakit ka ba? Anong pakasalan kita? Di magets ng utak ko eh, paki-explain nga, labyou!” then I crossed my arms. Freeak!
And by the look of his face, nagulat siya. Ano ba? Sino ba ang dapat magulat, ako ba o siya?
“Explain ko pa? Demanding ka naman masyado. Just agree with it and everything will be alright.”
Wow! Nahiya naman ako! Siya kaya bigla ayain ng kasal ng dalawang araw mo lang nakausap na tao? “So, gusto mong mag-okay-sige-pakasal-na-tayo na lang ako? UTOT MO!” sabay belat sa kanya.
He runs his hands through his hair and I can see na he’s already pissed. “Listen you dumb-ass! Naghahanap ako ng babaeng mapapakasalan, hindi ng magiging asawa. There’s the difference Odessa!”
Sabihin niyo nga? Ilang beses ba dapat ako magugulat ngayong araw? This making the sh-t out of me!
He’s asking for a marriage sa papel lang? Ano bang gusto nito sa buhay? Ang mamatay? Teka nga!
“Teka, why me? Bakit ako?” I said na may gestures pa. Inenglish ko na nga, tinagalog ko pa, tama yan, baka kasi di niya maintindihan -__-
Tsaka let me get this straight, if he’s asking for a paper-marriage, pwede naman siyang mag-alok sa kahit sinong babae, hell-o? Sinong tatanggi sa isang lalaki, ganyan ka gwapo, for the age of, let me say, 21? And besides, mukha namang may marangal niyang trabaho. He looks decent. Wag mo nga lang pagsasalitain -.-! He has a bad mouth.
“Ayoko. You’re the perfect woman for this! Alam kong never kang maattach sakin, and besides, you need me,” ang cool ng pagkakasabi niya kaya I glared at him. Anong I need him? Ah okaaaaaaay, I need him to die! “You need my money, I mean.” Bigla niyang bawi.
Kumunot lang talaga ng bongga ang noo ko. This is not making any sense!
Mukhang visible na ang pagkaconfuse ko sa mukha ko kaya he spoke. “Pagnagpakasal tayo, we will benefit each other, ako bahala sa bayarin ng mama mo sa ospital at matitirahan, and the fact na, matatago pa kita kay Luther.”
Nagpanting tenga ko. Okaaaaaaaaay? Analyze ko lang, siya na bahala sa lahat ng babayaran at matatago pa niya ako kay Luther. I just need to stay married to him, for how many months? Or is it years?
I sighed in defeat. Fine, kahit na I’m a dreamer, yung feeling ng isang babaeng, liligawan muna siya, idedate with the help of flowers & chocolates, or even teddy bear,
I dreamed of having a marriage proposal sa beach.
Isusuko ko ba ang pangarap nating mga kababaihan? Para lang sa pera? I even want to get married to someone I really love.
Pero ngayon, I shouldn’t care for myself. Kailangan ko na talaga ng pera at mapagtataguan kay Luther.
“Eh ano naman ang makukuha mo dito?” I asked coldly.
He smirked. Siguro napansin niyang interesado na’ko. Tsk, clever guy! “You just need to stay married to me for 7 or 8 months, ikaw bahala kung maghahanap ka ng sarili mong trabaho, but I can assure you na mapapakain kita at ang mama mo.”
7 or 8 months? Matagal ba yun? Hindi naman siguro? Kasi mabilis naman ang paglipas ng mga araw diba? At bilang talaga ang buwan nang pagiging kasal ko sa kanya? -.-!
BINABASA MO ANG
Mr. & Mrs. PLASTIK (Slow Update)
Novela JuvenilAnong gagawin mo pagayaw pumayag ng boyfriend mo na makipagbreak ka sa kanya?