What About Love || 2

932 32 16
                                    

And this is for stealing my heart along with the kiss."






Karylle said to herself. Gusto n'yang sabihin ito sa lalaking kaharap n'ya pero hindi n'ya magawa. One main reason: hindi n'ya kilala kung sino ito.






O, eh bakit mo tinugon ang halik nito noon? Tanong ng isang bahagi ng utak n'ya.






"Para saan yung pangalawang sampal?" Tanong nito. Napayuko na lang si Karylle. Hindi na n'ya matagalan ang mga titig ng lalaking ito sa kanya. At wala s'yang maisip na isagot sa tanong nito.





He pulled her close. At sa pagkabigla ay napasubsob s'ya sa matipunong dibdib nito. He hugged her tight na lalong ikinawindang ng puso n'ya.




"I'm sorry kung nabigla kita noon." Sabi nito. "But I'm not sorry that the kiss happened." Naitulak ng bahagya ni Karylle ang lalaki dahil sa sinabi nito. She met his eyes and glared. He chuckled at hinawi ang ilang loose tendrils sa mukha n'ya. "I'm sure na ganun ka rin naman di ba? You're not sorry we kissed." She blushed. Tama naman kasi ito.



Karylle pulled away from the hug. Mukha kasing nasasanay na s'ya. Mahirap na.



"So, what are you trying to imply?" tanong ni Karylle. "Na I'm easy dahil hinayaan kong mangyari yun?" Bigla s'yang na-conscious ng tingnan s'ya ng lalaki mula ulo hanggang paa at pabalik.



"Ikaw ang nagsabi n'yan. Hindi ako." Sagot nito. "And, no. I'm not saying you're easy."



Ewan ni Karylle pero parang hinaplos ang puso n'ya sa sinabi ng kaharap. Lihim s'yang napangiti. For once, she sensed real respect. Hindi na s'ya nagduda ng hawakan nito ang kamay n'ya.



"Karylle!"




Sabay silang napalingon ng lalaki sa tumawag sa kanya. Si Billy. She felt a soft squeeze on her hand kaya napalingon uli s'ya sa katabi. He was looking at her as if telling her everything's going to be alright.



"Karylle, ano ba?" Sabi ni Billy na nakalapit na sa kanila. "You have a show to run." Karylle sighed and nodded. Nagpatiuna naman si Billy palabas ng back stage. Susunod na sana si Karylle pero hindi binitawan ng lalaki ang kamay n'ya.

What About Love? || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon