Paunang Salita : Sipi mula sa Aklat ng Propesiya

156 12 9
                                    

Ang mundo'y lalamunin ng apoy, ang lupa'y yayanig at papatagin ang mga bundok

Babaha ng dugo--dugo ng mga magkasangga't magkatunggali--walang pinipili

Ang kadiliman ay yayapos sa buong lupain, at ang mga Nasyon ay magpapakasakim at sa takot ay magpapakaalipin.

Dalamhati ang maghahari sa puso ng mga tao at pag-asa rito'y maglalaho

At ang Kanyang alaala, Siya na siyang nagwasak sa mundo, ang Kanyang alaala'y mananatili--mananatili upang ipaalaala sa lahat na ang lumipas ay mangyayaring muli.

-Isinalin noong Ikaapat na Panahon: Panahon ng Pagbangon.

Memories of the BreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon