Chapter 5

29 2 0
                                    

*Kriing Kriing Kri---*

"Hayyy *yawn*," daing ko.

Isang panibagong umaga na naman at pangalawang araw ko na ngayon sa paaralan. Teka? Tugma yun ah? XD Ok. Tawa kayo. Rami ko ngang tawa eh. Mga bente -.- Balik na nga sa kwento. Argh. Sigurado akong magiging miserable na ang buhay ko simula ngayon. Sa nangyari ba naman kahapon? Tsk.

Ginawa ko na ang mga ritwal ko sa umaga at hinanda ang sarili para sa isang malagim na araw T_T

Pagdating ko sa paaralan lahat ng mata nakatingin sa akin. Wow. Sikat na pala ako? -.-

"Siya yun diba?"

"Kapal naman ng mukha niya."

"Akala mo kung sino!"

"Ang cool naman niya!"

"Hindi kaya!"

May nagbulungan pa. Psh. Mga te nagbulungan pa kayo eh dinig na dinig ko naman -.-

Naglakad lang ako na parang walang narinig. Bahala sila! Wala akong pakialam =_=

"Hoy. Ba't mo yun ginawa sa honey ko huh?!" napatigil ako sa paglalakad dahil may humarang na mga clown. Ang kakapal kasi ng mga make up. -.-

"Sumagot ka kung kinakausap ka! Bastos!" sabi nung isa.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. I don't talk to strangers kasi.

"Aba't!" sasabunutan na sana niya ako pero umilag ako. Magaling ata to sa martial arts no! Kaya nararamdaman ko na may gagawin silang brutal sa akin. Nag-aral kasi ako ng martial arts nung bata pa ako. Black belter nga ako eh. Alam niyo na. For protection. Ang rami na kayang masasamang loob ngayon. Kagaya nila. -.-

"Anong problema niyo?" tanong ko. Aba malay ko kung abnormal sila.

"Ikaw! Ba't mo ginawa yun sa honey namin?!" sabay na sabi ng mga clown. Aba aba! Honey ng lahat na pala yung sungit na yon?

"Problema niyo na yan." sabi ko at umalis na. Duh! Masasayang lang oras ko sa kanila no. Tumakbo na ako para hindi na nila ako maabala.

Pagdating ko naman sa room wala pa ring nagbago. Kaya naman dumiretso ako sa upuan ko. Shet. Oo nga pala. Seatmate ko nga pala tong kumag nato -.- Problema na naman. Tsk.

"Ano na naman kaya gagawin niya?"

"Hindi ba niya kilala si Nathan?"

"Tange! Kaya nga niya ginawa yun kahapon diba?"

"Oo nga no!"

Haaay. Bulungan na naman na naririnig ko. Binalewala ko nalang yun at umupo na sa upuan ko. Dumating naman agad yung guro namin kaya tumigil na sila. Tsk. Ganito nalang ba ang mararanasan ko ngayong 4th year?

Buong maghapon kong katabi yung kumag habang siya natutulog lang. Oo. Tinutulugan niya lang ang klase. Hindi nalang sana siya pumasok kung ganyan lang pala gagawin niya. Sinasayang pa ang pera nina tita. Hindi porket mayaman ka, sasayangin mo nalang basta basta ang pera mo. Tsk -.- Oo. Nagsosona ako! Nakakainis kasi. K.

Mabuti naman at hanggang ngayon buo parin ako. Ang sasama kasi ng tingin sa akin ng mga estudyante. Tiningnan ko rin sila ng masama kaya ayun! Nagiwas din ng tingin. Psh.

Lalabas na sana ako ng gate ng may bumangga sa akin kaya natumba ako. Tsk. Badtrip.

"Naku! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya!" sabi niya at tinayo ako. May mga nagbubulungang  estudyante na naman pero pinabayaan ko nalang.

Ang ganda naman niya. At mabait pa! Sana maging kaibigan ko ito.

"Ah okay lang." napatigil siya nung nakita niya ang mukha ko. Naku! Mukhang nagkamali ako ng akala. Marami pa namang namamatay sa maling akala. 

"Oh em! Ikaw si Nathalie diba?!" huh? Kilala agad ako? Tsk. Baka awayin din ako nito. 

"Uh.. Oo. Bakit?"

Baka sabunutan ako. Maghanda kana Nathalie. Ayaw ko pa namang sirain ang maganda niyang mukha.

"Talaga?!" 

Hindi naman siguro.

"Yes."

Mabait naman siguro.

"Can I be your friend? :D"

Nang matapos niyang sabihin iyon, feeling ko mas rumami pa yung mga nagbubulungan. Pero, ano daw yun? Can I be----- YES! MUKHANG MAY KAIBIGAN NA AKO! ^_^

"Oo naman! :)" masayang sagot ko. Pero sana lang hindi siya mabully.

"Yehey! :D Ako nga pala si Connie Reyes! 16 years old at kaklase mo! :D" Huh? Kaklase eh hindi ko naman siya nakita kanina at kahapon ah?

"Absent kasi ako kahapon atsaka ngayon dahil nagkasakit ako >3< Pumunta lang ako kasi pinapatawag ako ni ate." Mind reader ba siya? Tsaka ang cute cute niya magpout. Awww.

"Ahh. Pero bakit kilala mo na ako?" Ganun nalang ba kabilis kumalat ang balita at pati ang mga absent na estudyante ay nalaman din yun?

"Ah eh kasi... Family namin yung may-ari ng school at nakita ko ang form 137 mo eh nandoon naman picture mo. Marami rin kasing nag-pm sa akin na tingnan daw yun kasi sinigawan mo raw si Nathan ^_^" Ah kaya pala. Family niya pala yun------- WHAT?!

"AS IN?! O.O" Kaya pala ganun nalang magbulungan yung mga estudyante nang kausapin niya ako. Pero bakit ako ang gusto niya maging kaibigan?

"Oo nga! :) Kaya naman kita gusto maging kaibigan kasi alam kong hindi mo pa kilala ang kahit sino dito sa school. Magkatulad kasi tayo. Walang kaibigan. Atsaka bilib kaya ako sa ginawa mo. ;)" Mind reader ba talaga siya? At bakit wala siyang kaibigan? Diba sila yung may-ari ng school? At bakit siya bumilib sa akin? Nalilito akong tumingin sa kanya.

"Ganito kasi yun. Wala akong kaibigan kasi hindi ako masyadong nakikisalimuha sa kanila. Ang iba kasi gusto lang ako maging kaibigan dahil pamilya namin ng may-ari ng paaralang pinapasukan nila. Alam kasi ng lahat yun eh. Pero ikaw, hindi mo naman alam at pumayag kang maging kaibigan ako. Atsaka maliban sa akin, ikaw lang ang sumigaw kay Nathan ng ganun." Ah kaya pala. Oo nga naman. Sino bang ayaw makipagkaibigan sa isang katulad ni Connie diba? Pero bakit ako lang ang nakagawa nun kay Nathan maliban sa kanya? Celebrity ba siya?

"Ahhh. Kaya pala. Gusto ko rin kasing may kaibigan ako Con no. Malungkot kayang mag-isa lalo pa't sikat na ako dito sa school. Hahaha! Pero teka, bakit hindi nila ginagawa yun kay Nathan ?" Sabi ko sa kanya sabay roll ng eyes ko. Nakarinig na naman ako ng mga bulungan. Hmmm bahala sila! Inggit lang sila sa akin. :P

"Hahaha! Oo nga. 3 years na nga akong mag-isa eh. Sina ate lang kaibigan ko dito. Atsaka kaya naman wala pang gumawa ng ganun sa kanya kasi pinsan ko siya at yung mga kabarkada naman niya pati siya ay sikat dito. Grupo kasi iyon ng mga heartthrob." sabi niya sabay ikot ng kanyang mga mata. Ahh kaya naman pala ganun ang trato nila sa kanila. Tsk. Tumango tango ako sa sinabi niya.

Nabigla ako nung bigla niya akong hinala at tinawag ang atensyon ng mga estudyanteng kanina pa nakatuon ang atensyon sa amin. Ano? Di mo naintindihan? Intindihin mo eh!

"Sa lahat ng estudyante dito sa paaralan namin! Gusto kong malaman niyo na ang babaeng kasama ko ngayon ay ang BESTFRIEND ko. Kaya dapat walang gumalaw sa kanya kundi ipapaexpell ko at ipapablock sa lahat ng private schools dito sa Pilipinas." inemphasize niya talaga ang salitang bestfriend. Haay. Mabuti naman at may bestfriend na ako :D

Mukhang natakot naman sila kaya yung mga nagbubulungan ay bumalik na sa kani-kanilang gawain at yung mga masasamang tumitingin sa akin ay nag-iwas na ng tingin. Haayy. Mabuti nalang at dumating sa buhay ko si Connie :> Pero paano ako makapaghiganti kay Nathan kung bestfriend ko ang pinsan niya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling for my enemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon