One fine day in November, naglalakad si John Gabriell Garcia. Tawagin na lamang natin siyang Gab for short.
Kasama niya ang self-proclaimed IT Specialist ng klase, si Joseph Regalado Siscar. Codename: Chechu.
Papunta sila sa oval para sa Earthquake Drill ng kanilang eskuwelahan.
Masayang nagkukwentuhan ang dalawang magkaibigan habang binabagtas nila ang kahabaan ng mga volleyball court.
Napukaw pa nga ang atensyon ni Gab sa mga kalalakihang naglalaro ng basketball sa kabilang court.
"Wow! Ang galing naman nila." Ani Gab, na tila manghang-mangha. "Sana ganun din ako kagaling."
Samantalang siya'y patuloy na nakatitig sa mga basketbolista, hindi niya namalayang may paparating na balakid sa kanyang dadaanan: ang upuan ng referee.
Ngunit, huli na ang lahat.
BLAAAAAGGG!
Sumalpok siya sa kulay luntiang bakal sa harapan niya.
Kung siya ay isang cartoon character, malamang ay may umiikot-ikot nang mga bituin sa kanyang ulo, at pati mata niya ay umiikot na rin.
Pero, syempre, tunay siyang tao kaya't hindi yaon nangyari.
Ngunit kahit mukhang nagulantang lamang si Gab, labis pa rin itong katawa-tawa sa paningin ng dalawang kaklase niyang nasa bandang likuran lamang pala niya ng maganap ang engkwentro: si Monica at si Pauline.
Nasaksihan ng mga ito ang buong pangyayari, pero sa halip na tulungan at siguraduhin na okay lang si Gab, bagkus hagalpak sa katatawa ang dalawa.
TRUE FRIENDS ika nga.
Si Gab naman, wala nang nagawa kundi tumango na lamang mula sa kanyang sinapit at magpatuloy sa kanyang paglalakbay.
Kaya mga bata, laging tatandaan, laging titingin sa dinadaanan upang di matulad kay Gab, na kamalasan ang kinahantungan. =P
BINABASA MO ANG
Ang Kamalasan ni Gab
Short StoryAno ang nangyayari kapag dinapuan ka ng malas isang araw sa iyong buhay? Silipin natin ang kuwento ni Gab, ang lalaking kamalasan ang kinahantungan. . .