Part 2

62 4 3
                                    

Hindi pa nakuntento si Gab sa nangyariang kasawian. 

Tila wala siyang napulot na aral mula sa insidenteng kanyang naranasan.

Patuloy pa rin siya sa paglalakad na parang ang isipan ay lumipad sa kung saan.

Ano kaya ang bumabagabag sa isipan ni Gab?

Lovelife?

Studies?

Family life?

Barkada?

Hindi namin masasabi pagkat hindi kami mind reader.

Pero kung ano man iyon, ipagdadasal naming hindi na uli ito mambulabog sa kanyang utak. ;)

At ngayon, bumalik tayo sa kuwento.

Kasama pa rin ni Gab si Chechu, na nagsawalang-imik.

Pustahan, natatawa yan sa kaloob-looban.

Ngunit sa ngayon, impassive pa rin ang mukha ni Chechu habang si Gab ay may sariling mundong tila malayo sa kasalukuyan.

At heto na naman, may paparating na naman.

This time, volleyball net naman.

Hindi namin alam kung bulag si Gab o sadyang abalang-abala lamang siya sa pagpapantasya kay Janella Salvador na diyata't hindi niya nasilayan ang malaking net sa kanyang harapan.

Teka, deja vu yata to ah.

Diba't nangyari na to. . . kanina?

Dire-diretso si Gab, na ngayon naman ay tumatakbo upang makahabol sa kanyang mga kaklase, hanggang sa humampas ang kanyang mukha sa mismong net.

Unti-unting napabuka ang bibig ni Gab habang nababanat ang net pauna sa lakas ng pwersa ng pagkakabangga niya.

Ika nga ng EXO-K sa What is Love:

"I LOST MY MIND

Noreul choeummannasseultte

No hanappego modeungoseun GET IN SLOW MOTION"

XD

Habang parang mabibigtal ang lubid ng net, walang anu-ano'y nagsnapback ito at sumampal kay Gab, sapul sa mukha.

Pulang-pula na ngayon ang kanyang mukha habang dahan-dahan siyang nalaglag sa lupa at nagdagasa.

BOOGGSHH!

Di niya namalayan, may tumulong luha mula sa kanyang kaliwang mata.

PLOP!

At di nagtagal, napasigaw siya sa kalangitan,

"Bakit?! Bakit ako pa?! BAKIT KAILANGANG MAGKAGANITO?!!"

Itinaas niya ang kanyang kamay, tila inaabot ang kaitaasan, samantalang humahagulhol na siya sa kanyang mga dinanas.

Sa kabilang dako nama'y sabay pag-iyak mula sa kakatawa nina Monica at Pau.

Audience nga naman.

Nang biglang. . . . 

BAAAAAM!

Ayy, mind theatre lang pala. 

Sayaaaangg! 

Laughtrip sana.

Hahahahahaha! XD

Ang Kamalasan ni GabTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon