CHATMATES (HER SIDE)

59 2 0
                                    

CHATMATES (HER SIDE)
-manang_denden

---

Tanghali noon ng Linggo, nang mag open ako sa Facebook ko..
As usual, scroll nang scroll lang ako sa feed ko, tingin-tingin sa mga notifs.

Nang biglang nag pop-up ang message mo sa akin..

"Hi!" Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.. Ang alam ko lang ang lakas ng tibok ng puso ko nang mag-message ka bigla sa akin.

Parang tumalon-talon yung puso ko sa tuwa, pero dapat Ko itong  pigilan.

Nagreply ako..
"Hello." Pa-cool muna sa umpisa, para naman di' masyadong halata.

Ang bilis mong magreply.
"Pasensya ka na ha, Feeling Close ako masyado."

"Gusto ko lang sanang makipagkaibigan."

"*smiley*"
Dagdag niya..

Matagal na kitang crush, noon pa. Nung Una kitang makita nabighani mo agad ako, ang mga chinito mong mata, ang malaki mong katawan, nang minsan nga ay nasulyapan ko ang 6-pack abs mo.. Pero aksidente lang yun ha,

Feeling ko ang swerte ko nung oras na yun, syempre..

Nagreply naman ako..
"OK lang di' naman halata.."

Di ko na namalayan na mahigit 4 na oras na pala tayong nag-uusap at parang tila'y kilala na natin ang isa't-isa..

"Bye Den. Bukas ulit!"
Sabi mo sa akin.
"Bye Drei! Nice meeting you"
Kasabay may smiley.

Nagreply ka naman agad ng isa pang malaking emoji.

Hindi na kita maialis sa isip ko Simula noong araw na yun. Sa apat na oras na iyon ay naramdaman ko na pwede rin pala ako replayan ng mabilis nang isang tao.

Ang babaw diba?

Umaga, tanghali, at Gabi ikaw lang ka-chat ko.. Sa tuwing ikaw ang kausap ko, nawawala lahat ng nararamdaman Kong
problema.

Lumipas ang isang linggo, patuloy pa din kitang ka-chatmate...

Ngunit,

Nahulog tayo sa bangin na tayo lang din ang may gawa.
"Crush kita Den."

Parang ako ay naging rebulto bigla nang mabasa ko ang mga iyon..

Pero ang mas pinagtatakahan ko ay nang masabi Kong
"Crush rin kita Drei."

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko, galing sa puso ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung mga oras na iyon.

Natanong ko tuloy sa isip ko kung Crush mo na ba talaga ako noong Una kang nakigpag-chat sa akin?

"Talaga?"

"Pwede manligaw Den?"
Sabi mo sa akin. Na turn-off ako sayo bigla nang sabihin mo iyon.

Mabilis kong nai-reply ang
"Hindi.. Hindi pwede. Study first muna Drei."
Ang pinaka-ayaw ko kasi sa lahat ay yung mga lalakeng nanliligaw through texts, online messaging. Nasa Bucket Lists ko rin, na kung may manligaw man sa akin, sa personal dapat.

CHATMATES (HER SIDE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon