By: Wenz
Nangyari ito noong 2nd year highschool palang ako.
Nag decide ako na lumipat sa apartment para maging independent. Nagtatrabaho din ako bilang waitress sa isang malapit na restaurant.
Maayos naman yung nalipatan kong apartment. Walang sira. May 5 floor ang apartment na yun. Malaki yun. Sabi nung may ari nun,bahay daw nila yun dati. Pero pinaupahan na daw dahil may nangyari. Kung anong nangyari, di nya naman sinabi
Nasa 3rd floor yung kwarto na tinutuluyan ko. May tatlo pa kong kwarto na katabi sa floor na yun.
Gabi na nun nang makauwi ako. Madilim na sa labas ng apartment. Pinapatay kasi nung may ari yung ilaw tuwing 10:00 pm na
Nakahiga na ko sa kama ko pero hindi ako makatulog kasi ang ingay sa kabilang kwarto. Kaya ang ginawa ko,lumabas ako.
Pagkalabas ko, saktong lumabas din yung nasa kaliwang side na katabi kong kwarto. Parang di rin sya makatulog dahil sa ingay
Saktong may janitor na naglilinis na floor na yun kaya pinakiusapan ko sya
"Kuya pwede po bang pakikatok yung nakatira dito? Di po kasi kami makatulog" pakiusap ko
Pero nagtaka ako kasi nanigas yung janitor
"Manong okay kalang?" Tanong nung babae
Mas nagulat kami kasi tumakbo nalang pababa yung janitor
Pinagwalang bahala nalang namin. Weird dahil pagbalik ko sa kwarto ko, wala na yung ingay. Nakaramdam na ata
Pero the next night, ang ingay nanaman kaya lumabas ako uli. Sakto uli na lumabas yung babae na nasa kabilang kwarto.
Hindi na ko nakatiis kaya sinilip kona yung butas dun sa pinto. Pero blue lang ang nakikita ko
Nagulat kami nang makita namin yung janitor. May hawak syang rosaryo.
"Ma'am lumayo po kayo dyan"
"What? Pero manong nabubulabog na kami" sabi nung kasama ko
"Ma'am wala na pong nakatira dyan. Nagbigti po yung babae" sabi nya
"Ha? Sinilip ko pero blue lang yung nakikita ko"
"Ma'm namatay po yung babae na may blue na mata"
And sobrang kinilabutan ako nun!