"Call Center Butterfly" ang tawag nila sa tulad ko. Hindi kasi ako mapirmi sa isang call center. Hindi ko usually inaabot ang regularization. Lumilipat ako agad sa iba after a few weeks on the floor. Ewan ko. Siguro dahil that is how i wired
It works for me. Kung pwede nga lang magkulong sa kwarto at mag movie marathon o mag sound trip,yun ang gagawin ko maghapon
But sometimes it bothers me. Hindi ko ito nababanggit sa iba pero i'm a ghost magnet yata. Most of the time,graveyard ship ako so kapag lumalabas ako ng house,mga past 6 na. Madilim na dun sa nilalakaran ko papunta sa sakayan ng jeep na magbababa sa EDSA. Maraming beses na kasi nagyari na may makakasalubong akong naglalakad---weird-nakatitig sakin na para bang nanlilisik ang mga mata. Tas pag pinilit kong ispot ang nilalakaran nila,nakalutang ang mga paa nila sa lupa
Alam ata nila na nakikta ko sila. May mga kaluluwang gala na ayaw talaga magpaabala. Nagagalit sila pag sinusundan sila nv tingin. Naalala ko,minsan nung bata pa ako, naglalaro ako sa bangketa tas may dumaang karo ng patay. Dun sa mga kapamilyang nakabuntot sa karo,may nakita akong maputlang lalaki na nakapamburol,nakatitig sa akin. Hindi na naalis yun sa isip ko
Dun sa isang call center na pinasukan ko,sabi nila may bata raw na naglalaro sa mga training rooms sa 26th floor. Madalas hinahampas nya yung mga swivel chairs
Parang nasanay na ko sa dami ng mga manifestations. At least,hindi pa ko nakakakita ng mga multo na sabot ang bungo o putol ang kamay. Yung tipong naaksidente
Hanggang sa mag work ako sa isa pang kompanya sa Ortigas. Sabado kaya konti lang ang agents na may work at saka rest day ng mga nag oopisina. Mga 8 pm yun kaya si manong nalang ang inabutan ko. Sa 36th floor ang mga work stations namin. Bago ko i-swipe ang ID ko,bigla akong kinilabutan. Sabi ko,baka malamig lang kasi malakas ang ulan sa labas.
Nag stop sa 31st floor yung elevator. Bumukas yung pinto,walang tao. Pero bago pa sumara ay may pumasok na isang babae. May kasunod na bata. Nakahawak sa braso nya yung bata
Nakatingin sa kin yung bata. Nakakapote sya,yung transparent. Pero basang basa yung buhok nya. Sa isip ko, ito namang nqnay kako, hindi pinayungan yung anak. Ang lakas pa naman ng ulan sa labas
Pagkababa namin sa ground floor,nauna akong bumaba ng elevator. Sumunod sakin yung ale. Tsinek nung guard yung bag ko. Gumilid ako para izipper yung bag ko. Yung bag naman nung babae ang tsinek ng guwardya
"Asan po yung anak nyo?" Tanong ko sa babae
"Ha anong anak?" Pagtataka nya
"Kanina po may kasunod kayong bata eh. Nakakapote"
"Mag isa lang akong bumaba" sagot nya
Nagbiro yung guard. Baka yung multong bata raw ang sumabay samin sa elevator
"Manong naman!" Ang takot nung ale. Nanahimik nalang ako